Midnight 64 - Coffee

558 27 50
                                    

Midnight (64)


I counted one to ten.

I was still trying to make myself believe that it was all just mere hallucination. Masyado ko lang siguro siyang na-miss, na nakikita ko lang siguro siya kasi nasa Pilipinas na ako. Imposible naman kasing mag-krus bigla ang landas namin. 

Ano 'yun, destiny?

Natapos na akong magbilang hanggang sampu pero nakatitig pa rin sa akin ang mga mata ni Ash. 

Ash's eyes were piercing in anger. Usually, kaya niyang gawing blanko lang ang emosyon ng mukha niya pero ngayon, ramdam ko yung galit at hinanakit niya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam ang gagawin. Nilapit ko pa lalo ang sarili ko kay Marcus para magtago. Halos itago ko na ang buong sarili ko sa likuran niya nang biglang may bumusina sa kotse nila Sky at Ash.

Doon lang tinaas ni Ash ang car window. Kunot ang noo niya nang humarap siya sa daan. 'Yun ang huling nakita ko sa kanya bago nakalagpas sa kinaroroonan ko ang kotse nila.

Napa-buga ako malalim na hininga. Ni hindi ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko. I was holding my breath all along! Only he can do that to me. Ever since. Until now.

For sure, he saw me. For sure, he knew it was me. Kahit ilang taon na ang lumipas, at kahit nagpalit ako ng buhok ko, o kahit pa nagtago man ako sa likuran ni Marcus, Ash would always know me—like how I would always know him.

"Are you okay?" asked Marcus. "Bakit parang nagtatago ka?"

"Ah. Oo. I'm fine. Sorry, medyo kinakabahan lang talaga," sagot ko.

"Don't worry. You'll be fine here. The last time we checked, wala na sa target locations nila ang Philippines. At wala na rin naman si Rachadee. And besides, you are legally Miss Rylee Reyes now. No one can harm you." He let out a small assuring smile.

I nodded. "Yeah. Thanks." 

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Zarek na may hawak na isang bucket ng chicken. Mamaya pa ay dumating na rin sila mama, Paul at Yulann galing sa CR.

Buti nalang at kami lang ni Marcus yung naroon kanina nung tumigil ang kotse nila Ash. At least baka pwedeng isipin lang ni Ash na kamukha ko lang... kahit halata namang ako. Basta, mas ayos na 'yun kaysa yung nakita pa ni Ash sila mama, Yulann, Zarek at Paul.

Baka isipin pa niya na boyfriend ko si Paul. O si Zarek.

The hell?

What the fuck am I thinking?!

Eh ano naman kung isipin niya 'yun? Wala naman na siyang pakialam sa akin kasi exes na kami. Ano bang inaasahan ko? Na baka magselos siya? Napailing nalang ako sa mga naisip ko.

Kinurot ko ang sarili ko para magising sa katotohanan. Hanggang naka-para na kami ng taxi at nasa biyahe na kami papunta sa condo namin sa Ortigas ay paulit-ulit ko pa ring pinapaalala sa sarili ko na may girlfriend na si Ash at galit ito sa akin. 

I need to stop my daydreams as it is clearly not good for me. And to anyone.

"Thank you talaga, Zarek," I told him when we arrived at our condo. Si mama, Yulann at Paul ay dumiretso na sa mga kuwarto para mag-ayos ng mga gamit.

"Babayaran ko lahat ng perang nahiram namin sa 'yo. Maghahanap ako ng trabaho simula bukas. Pakisabi na rin pala kay Atty. Rami na salamat sa tulong niya sa pangalan ko at sa restraining orders," dagdag ko pa. Hindi na kasi namin nakita si Atty. Rami pagbaba ng airport kasi may pupuntahan pa raw siyang appointment.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now