Daylight 47 - Mine

952 50 97
                                    

Daylight (47)


'I'm all yours, Ash.'

I have no idea how long I have been staring at Yanisa's response on my artwork. Bumalik lang ako sa realidad na nasa trabaho nga pala ako nang kumatok si Fefanie sa office ko para magpaalam na uuwi na siya.

I checked the time and it's already an hour past 3 PM. Right, LIAM office hours are done. Maaga talaga natatapos ang office hours ng LIAM compared to other schools. It's one of the perks of working here.

Pero ang classes ng LIAM, hanggang gabi lagi. Kaya medyo lugi ang college department professors, kasi umaabot sila hanggang gabi. Habang yung mga lower level teachers, sign out na ng 3 PM, together with all the office staff.

Kami namang supervisors, 3 PM talaga usually ang out. Kaso lagi ring OT sa dami ng trabaho. At lagi naming kailangan mag-stay tuwing Friday para sa 4 PM management meeting.

Binalik ko ulit yung tingin sa artwork ko. Yanisa crossed out the faces of Paul, Zarek and Monzo—and she wrote that she's all mine. That has to mean something, right? Was she trying to play mind games with me or what?

Should I ask her?

Minutes passed and I was just staring at the mere artwork again. For a moment, I was even walking back and forth in my office thinking if I should ask her or not.

And then I suddenly realized that it was a Thursday! Wala siyang HF18 ngayon kasi TWF ang schedule niya dun. Dismissal na ng kindergarten department ngayon kaya paniguradong wala na rin siyang ginagawa.

I decided to send her a message. We need to talk about it. Hindi ako papatulugin nito kapag hindi ako nalinawan sa kung ano ba talaga 'yun.

Aj: Yan, where are you?

Aj: Dismissal niyo na, 'di ba?

ยะน: Just finished my last class. Pauwi na rin. Why?

Aj: Can I see you?

ยะน: Okay. Ibabalik ko lang yung hiniram kong book sa library.

ยะน: Daan nalang ako sa AES office.

Aj: No, I'll wait for you in the lib.

ยะน: Umm... ok.

Katabi lang ng AES office ang library kaya mabilis akong nakapunta roon. Wala pa si Yanisa nung nakarating ako kaya umupo muna ako sa isa sa mga upuan sa gilid. Sa pinaka gilid ako umupo, yung tipong hindi muna niya ako makikita. Nag-Facebook nalang muna ako habang hinihintay siya.

Mamaya pa ay nahagip ng mata ako si Monzo na mabilis na pumasok sa library. May hawak siyang tatlong children books na nilagay niya sa isa sa mga shelf tapos ginulo-gulo niya yung pagkaka-ayos ng mga libro.

Ilang saglit pa ay dumating na si Yanisa. Naiwan sa labas yung dalawa niyang kaibigan na nag-uusap.

"Yannie!" bati agad nung Monzo.

"Uy, Monzo. Bakit?" she smiled. Tsk.

"May hinahanap kasi akong children book, yung three parts. Gusto ko sana ituro sa class ko kaso hindi ko makita, e. Pwede patulong?" he said. The fuck? He was just holding it earlier! This dumbass.

"Ah, nandyan lang yata..." Yanisa said, trying to find the books that the bastard hid. Before trying to help Monzo, Yanisa tried to scan the room to probably look for me. I looked the opposite way so she wouldn't see me yet.

I kind of want to hear more of what that Monzo would say.

"Kamusta ka na, Yannie?" Monzo said. I knew it. Nilagay niya sa likod yung libro para magka-usap sila ni Yanisa. Para pormahan niya ito. Tsk.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now