Midnight 9 - Horror

3.7K 104 9
                                    

Midnight (9) 


"Are you dating someone?" Paul asked. Worry was evident in his eyes. 

Ang ganda talaga ng mga panimula nito ni Paul eh. Siya na nga itong may kasalanan sa akin, siya pa ang may ganang magtanong ng mga ganyan. Tatlong beses niya akong niyaya mag-BonChon, tatlong beses din biglang dumating si San San out of nowhere at biglang kinuha siya sa akin. Si Paul naman, parang under at walang laban, sumasama din. Iniiwan ako. At inuulit ko - tatlong beses.

Nasaktan at nalungkot ako no'ng unang dalawang beses na kinuha siya sa akin ni San San, pero no'ng pangatlo na, deadma na. Manhid na ako. Kung hindi matutuloy yung BonChon, edi hindi. Wala na akong pakialam. Nakakapagod na din kaya. 

Kaya nga parang himala ngayong araw na nandito kami ngayon. Buong akala ko nasumpa na ng kung sinong demonyo yung BonChon namin eh. Ano kayang meron at hindi sumipot ngayon yung bruha? Dahil kaya weekend? Sabado kasi ngayon. 

"No. I am not." Sagot ko sa kanya. "Bakit? Mukha ba akong may dine-date?"

Pumangalumbaba siya habang nakatitig sa akin. Parang nag-iisip. Parang kinikilatis niya ang aura ko ngayon. What the hell?

"Parang."

"Paano mo naman nasabi?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Nasa itsura mo eh."

Anong nasa itsura ko? Napatingin tuloy ako sandali sa suot ko. Wala namang mali. Naka-black t-shirt lang ako na may naka-print na 'I heart Bangkok', naka-Beige colored shorts at naka Birkenstock sandals. Naka-half bun ang buhok ko at messy ang pagkakaayos ng bangs ko. Wala akong ni isang make-up sa mukha bukod sa tinted lip gloss na lagi ko namang ginagamit. Parang hindi naman ito ang itsura ng may dine-date, at lalo na ng in love. Sobrang normal ng itsura ko. Mukha ngang pambahay ang outfit ko eh.

"Ewan ko sayo, Paul." I rolled my eyes at him.

"Parang mas maaliwalas kasi ang mukha mo ngayon. Mas nakakatulog ka na ba ngayon ng mahimbing? Hindi na ba kayo nag-aaway ng mama mo?"

"Ah. That. Yes, mas maayos na ang mga tulog ko ngayon. Si mama, ganun pa rin pero sanay naman na ako."

"That's good, Yanyan."

"Thanks. Haha."

"Mas lalo kang gumanda." He seriously said, staring straightly into my orbs.

Nagkatitigan kami for a moment. I felt my blood rushed into my face, pero hindi naman sobrang intense. What's with Paul? Bakit ganyan siya magsalita ngayon? Hindi ako sanay na ganyan siya.

"Tigilan mo nga ako, Paul." Nag-iwas ako ng tingin.

"Haha. Maganda ka naman kasi talaga lagi. Mas lalo lang ngayon."

"Stop it, Paul." I said. I'm getting awkward!

Buti nalang dumating na yung order namin na seafood platter. Nagpasalamat ako sa waitress and started munching on the squid rings.

Nakakatatlong squid rings na ako pero nakatitig pa din sa akin si Paul. The hell.

"Ayaw mo bang kumain?" I asked him. Slightly annoyed. Pikunin ako and he knows that.

"Kakain na po, Yanyan." Natawa siya ng konti. Buti naman. Ayaw ko ng seryoso siya.

Silence...

"So... ano nga ulit yung sasabihin mo sa akin na importante? Yung sa sobrang importante kailangan pang sabihin sa BonChon instead sa text? Yung sa sobrang importante na-cancel ng tatlong beses?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. Minsan talaga, masama ugali ko eh. Siya rin naman ang may kasalanan, siya ang nag-ca-cancel eh.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now