Midnight 35 - Hi

1.5K 44 44
                                    

Midnight (35)


"Favorite mo yung regalo k-ko?"

"Yes."

Kinuha na niya ng tuluyan sa akin yung sweater na regalo ko sa kanya. Pinatong niya muna ito sa mesa at mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya gamit ang kanyang mga binti. I bit the insides of my mouth.

Our distance is really close, almost none. And the fact that he's my crush makes it more dangerous. Baka kung anong magawa ko sa kanya kapag hindi siya lumayo. Minsan pa naman, nawawala ako sa katinuan.

"What do you think of me?" he suddenly asked.

I know what he's talking about. It's obviously the issue about him being gay. Ang hindi ko lang alam ay kung tinanong niya ako kung naniniwala ba ako o tinanong niya ako kung okay lang ba na ganun nga siya.

I can't assume. All my life, nag-a-assume ako lagi. And I always fail. Laging hindi naman totoo yung mga inaakala kong sigurado ako noon. I can't do it with Ash. I can't get hurt again because of stupidly assuming things.

"I don't know," sabi ko nalang habang nakatingin sa baba.

He slowly pulled my chin up. My face heated wildly at how his eyes looked at me, and how he's so close to me. Parang akong naduling sa kagwapuhan at sa lapit niya. Panigurado, pulang-pula na naman ako.

"Ash, m-masyadong malapit," my voice cracked. Pero hindi ko maalis sa mga mata niya yung tingin ko. I feel like I suddenly got lost in his eyes, and I can't find my way back.

"Gusto ko yung malapit," he whispered. "Ayaw mo ba?"

Silence...

"Gusto... p-pero... hindi ito yung proper friend's distance..." I said, still lost in his eyes. What in the world is happening to me?

"Ano ba ang tamang distance?" he tilted his head. "Ganito ba?"

Muntik na akong mapatalon sa kaba nang may bigla siyang kinalabit sa ilalim ng aking swivel chair na naging dahilan para bumaba ng konti ang upuan ko. 

Dahil dun, mas nahila niya yung upuan kong palapit sa kanya. Nag-overlap yung swivel chairs namin. Nasa ilalim ng upuan niya yung kalahati ng upuan ko!

My heart dramatically raced at his sudden move. Nang binalik ko ang tingin ko sa kanya, our foreheads are already touching! Napasinghap ako sa gulat at kaba na naramdaman. Parang biglang tumigil ang mundo ko. 

Kung kanina nga ay hindi na ako makahinga sa sobrang lapit niya, what more ngayon?!

His face remained serious. Parang may something na nag-o-overtake sa kanya na pinipilit niyang i-control. Parang nagagalit siya sa sarili niya or what. Hindi ko maintindihan. His stares were dark and determined. Napapadalas din ang paglunok niya.

Mabilis akong nataranta at napalayo sa kanya nang biglang may kumatok sa pintuan. Nanatili sa akin ang mga tingin ni Ash ng ilang segundo bago niya pinansin ang pagkatok.

"Come in."

Pumasok si Leonard. "Pasensya na po sa istorbo. Magti-time out ho sana ako ng maaga ngayon kung okay lang po? May sakit daw po kasi ang panganay ko, sir."

"Sure. You may go now. I hope she gets well soon," banayad na sabi ni Ash. Ang bait naman nito maging boss.

"Thank you po, sir! Ma'am Yannie, una na po ako," Leo said before closing the door. My forehead creased. Tama ba yung narinig ko? Tinawag niya akong ma'am?

Ano 'yun? Sir niya si Ash tapos ma'am niya ako? Did they really get the wrong impression of us kanina? O tinatawag niya akong ganun kasi na-promote ako? Shiz. I'm overthinking a lot!

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon