Chapter 35 part1

321K 3K 74
                                    

Mabilis na naghanda sina Gabriel at Althea para sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Maayos ding nagpaalam at nagpasalamat si Althea sa Campbell sa lahat ng tulong na ibinigay ng mga ito sa kanya. Nalungkot ang mag-asawang Campbell dahil mawawalan sila ng isang magaling na katiwala.

Tahimik na nakaupo si Gabriel sa sofa sa living room.

“Gab may problem na naman?” nag-aalalang tanong ni Althea mula sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron, naghahanda sya ng special dinner nila dahil ngayon ang last nila dito sa Canada. Bukas ng umaga babalik na sila sa Pilipinas.

Pagkakita ni Gbariel sa asawa ay ngumiti ito. “Iniisip ko lang I want to spend more time with you dito sa Canada. Nasabi sa akin ni Emily hindi ka pa daw nakapasyal mula ng dumating ka agad ka daw na busy sa work mo sa mga Campbell.”

Tinabihan ni Althea ang asawa sa two seater na sofa. “That’s okay pwede naman tayong bumalik dito pagkatapos ng mga problema natin.” Sabay hilig ng ulo nya sa balikat ni Gabriel.

Agad namang inakbayan ni Gabriel ang asawa at hinagkan ang tuktok ng ulo nito.

Ang mga ganitong pagkakataon ay gusto ring samantalahin  ni Althea. Hindi lang alam ni Gabriel na puno ng takot ang puso nya ngayon, hindi sya nakakasiguro kung ano ang maaaring mangyari sa pag-uwi nila.

“I know we can go back here anytime.” Lalo pang hinigpitan ni Gabriel ang pagkakayap sa asawa.

“Wait I’ll just check yung niluluto ko.” Nagmamadaling bumalik sya sa kusina.

“I’ll help you sweetheart.” Sumunod din si Gabriel.

Pagkatapos nilang maghapunan ay napagkasunduan nilang magpahangin muna sa terrace.

“Sino kaya yang tumatawag?” nagtatakang tanong ni Althea ng marinig ang sunud sunod na ring ng telepono sa sala.

“Ako na ang sasagot.” Mabilis na tumayo si Gabriel.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Gabriel. “Si Mama ang tumawag sweetheart gusto ka daw makausap.”

“Huh? Bakit daw?” kinakabahang tanong ni Althea.

Natawa si Gabriel ng makita ang reaksiyon ng asawa.”Excited lang yun.”

“Excited saan?”

“I already told her about your condition...”

“Gab! Napag-usapan na natin na hindi muna natin sasabihin sa kanila di ba?.”

“Sweetheart kahit hindi natin sabihin sa kanila paglabas na paglabas natin sa airport malalaman na rin nila.” Malumanay na paliwanag ni Gabriel at sabay haplos sa maumbok na nyang tiyan.

“Nasa phone pa si Mama?”

Tumango si Gabriel.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon