Chapter 5 page 6

381K 3.9K 107
                                    

Durog na durog ang puso ni Althea ng mga sandaling yun habang nag uusap sila ni Gabriel.

Unang araw pa lamang ng kasal nila ay nagkakaroon na sila ng conflict.

Halos hindi ma absob ng utak nya ang kasunduang sinasabi ng asawa.

“One more thing Althea while we are married ayokong magtrabaho ka.” May awtoridad na sabi ni Gabriel

Halos pandilatan nya ang asawa. “Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang farm.”

“Dapat mula ng tinanggap mo ang kasunduang ito alam mo dapat ang consequences.” Galit na bulalas ni Gabriel.

“Matanda na ang Papa para mag isa nyang pamahalaan ang farm.” Mababa ang boses nya.

Nakangisi si Gabriel habang nakatingin sa asawa na habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga kamay nakapatong sa kandungan.

“Hindi magsasaka ang pinangarap kong asawa.”

Hindi na napigilan ni Althea ang mga luhang nagbabadya na tumulo ano mang sandali.

Nang humarap sya sa asawa ay may luha na ang mga mata nito.

“Wala masama sa pagiging magsasaka. Wala kaming inaagrabyado na mga tao.” Paputol putol na sabi nito.

Pagkatapos nyang magsalita ay tuloy tuloy na syang lumabas. Hindi na nya kayang ituloy pa ang pag uusap na yun.

A/N

Please vote po or post your comments

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon