Chapter 5 page 8

382K 3.4K 12
                                    

Hindi na napigilang mag usisa ni Nana Chato.

“Pwede ba akong magtanong anak?” alanganin na simula ni Nana Chato.

“Ano ho yun?” nakangiti si Althea.

“Bakit iba ang pakikitungo sa iyo ni Gabriel? Kilala ko si Gabriel halos sa akin na sya lumaki dahil busy ang mga magulang sa negosyo. Napakabait na bata nyan at talagang ginagalang nya ang mga babae.”

“Alam ko po na naguguluhan kayo sa relasyon naming at pakikitungo sa isa’t isa, pero maiintindihan nyo rin po sa tamang panahon.” Nakatingin ng tuwid si Althea sa matanda.

Napabuntong hininga ang matanda. “ Nakita kita kaninang umiiyak galling sa library at patakbong umakyat sa taas.”

“Alam kong may pinagtaluhan kayo ni Gabriel.”

“At tumawag din si Donya Marcela pinagbilin ka nya sa akin na hwag pababayaan at kung may kalokohang gagawin si Gabriel sayo ay agad na itawag sa kanya.”

Hinawakan ni Althea ang kamay ng matanda. “Maraming salamat po sa pag aalala ninyo pero sana Nana hwag nyo na itong ipaabot kay Donya Marcela.” May halong pakiusap na sabi nya.

Natuwa si Althea ng marinig mula kay Nana Chato na pinagbilin sya ng Mama ni Gabriel. Hindi pa rin sya sanay na tawagin itong Mama kahit na ang Donya na mismo ang nagsabi.

A/N

Please vote and post your comments :) 

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon