Chapter 33 part 1

347K 3.2K 115
                                    

A/N

Sorry hindi ako agad makapag ud busy po sa work.. 

Thank you so much sa support nyo sa MUW :)

Chapter 33

Agad nakatulog si Gabriel dahil nitong mga nakaraang araw masyado syang pagod.

Naiiling na pinagmamasdan ni Althea ang asawa. Ngayon hindi nya alam ang gagawin sa biglang pagsulpot nito. Bakit naman kasi hindi nalaman ni Emer ang binabalak ni Gabriel na pagsunod sa kanya.

Naupo sya sa gilid ng kama habang hibing na hibing si Gabriel.

Matagal nya itong pinagmasdan, hindi pa rin ito nagbabago. Napakagwapo talaga ng kanyang asawa kaya naman ang daming babaeng naghuhumaling dito.

Nagulat si Althea ng biglang nagmulat ng mga mata si Gabriel.

“Hindi ka pa ba matutulog sweetheart?” nakangiting tanong ni Gabriel sabay hawak nito sa kamay ng asawa.

“s-sige matulog ka lang. May aayusin pa ako.” Alam nyang pulang pula ang pisngi nya ng mga sandaling yun.

Hindi nya inaasahan na magigising pa si Gabriel.

“Just do it tomorrow. I want you to rest now.” Sabay hila nito sa kanya.

Wala na syang magawa ng ihiga sya ng asawa sa tabi nito.

Pagkahigang pagkahiga ni Althea ay mahigpit syang niyakap ni Gabriel.

“Tulog na tayo sweetheart.” Sabay halik nito sa may bunbunan ni Althea.

Hindi sanay si Althea sa ipinapakitang sweetness ng asawa kaya medyo naiilang pa rin sya.

Nagmamadaling tinungo ni Althea ang comfort room, inaatake na naman sya ng kanyang morning sickness.

Sinundan sya ni Gabriel.

Halos mamilipit si Althea habang nagduduwal. Tuwing umaga talaga ay lagi syang nahihirapan.

Nang makita ni Gabriel ang ayos ng asawa ay agad nya itong dinaluhan.

“W-what’s wrong?” habang hinahagod nya ang likod ni Althea.

Hindi pa rin makapagsalita si Althea dahil patuloy ang kanyang pagsusuka.

Si Gabriel naman ay hindi alam ang gagawin, nandun na yakapin nya ito tapos hahagurin ang likod.

Hinang hina si Althea ng matapos syang magduduwal.

Agad agad naman syang binuhat ni Gabriel at maingat na inihiga sa kama.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon