Chapter 12 part 2

400K 3.6K 180
                                    

A/N

Sorry at ilang pages lang ang UD ko, busy kasi sa work. 

Thanks sa mga comments and votes ^ ^

Nagmamadaling pumasok si Gabriel, alam nyang hinihintay sya ng asawa dahil hindi sya nakarating kaninang dumalaw ang mga magulang nito.

Dapat kanina pa sya nakauwi mula sa restaurant kaya lang may nakita pa syang business associate kaya medyo naantala pa sya.

Nagkaayos na sila ni Marian at sinabi nya sa babae na mahal na niya ang asawa. Hindi na rin maibabalik ang dati nilang relasyon.

Nangako rin sya sa sarili mula ngayon ay babawi sya kay Althea. Alam niyang sobra sobrang hirap na ang pinaranas nya dito.

Pagpasok ni Gabriel sa kabahayan ay napakatahimik.

“Nana Chato!”

“Kanina ka pa ba?” hindi makatingin ng diretso kay Gabriel ang matanda.

“Nag dinner na ba si Althea Nana?”

Ang tagal bago sumagot ang matanda.

“Hindi ko alam kung kumain na sya.” Nakayuko pa rin ang matanda.

Napakunot ang noo ni Gabriel.

“Kayo ang kasama nya dito sa bahay. Hindi nyo alam kung kumain na sya.” Naguguluhan nitong sabi.

“Pakitawag po si Althea para sabay na kaming kumain.”

Kahit busog na sya ay gusto nyang sabayan ang asawa sa hapunan. Ang plano nya ay after dinner pag-uusapan nila kung paano maisasa ayos ang relasyon nila.

Hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan ang matandang katiwala.

Nagtataka si Gabriel sa mga kinikilos nito. Naisip na lamang nya na ganito siguro talaga ang mga nagkaka edad na.

“Mayet!” tinawag na lamang nito ang isa pang kasambahay.

Humahangos ito. “Sir, bakit po?”

‘Pakitawag si Maam Althea mo, sabay na kaming kakain ng dinner.”

“H-ho?”

Napansin ni Gabriel ang pamumutla nito.

“Ang sabi ko tawagin mo ang Maam Althea mo at ng makakain na kami.” Naiirita na rin si Gabriel.

Naguguluhan sya sa mga kinikilos ng mga kasambahay.

“Nana Chato hindi mo pa ba sinasabi kay Sir?” kinakabahan na rin si Mayet.

Marahang umiling ang matanda.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon