Chapter 4 page 6

385K 3.3K 19
                                    

Durog na durog ang puso ni Althea habang naririnig ang mga sinasabi ng kasayaw nya.

“Hwag kang umasa na magiging normal ang pagsasama natin mahal kong asawa.” Nang uuyam si Gabriel.

Tahimik lamang na nakikinig si Althea. Ayaw nyang gumawa ng anumang eksena na mapapahiya ang mga magulang at mga Monteverde.

“May mga rules tayo na dapat sundin at pagkatapos na pagkatapos nito ay pag uusapan natin.”mula kay Gabriel.

Namalayan na lamang ni Althea na sinasagot na nya ang mga maanghang na salita mula kay Gabriel.

“Sa simula pa lang alam ko na kung ano ang mangyayari. At handa kong harapin ang kung anuman ang mga consequences sa ginawa kong desisyon.”

Biglang hinapit ni Gabriel ang asawa at binulungan. “Aside from having the sweet lips malakas talaga ang loob mo sweetheart.”

Nasasanay na itong Gabriel na ito na tawagin syang sweetheart. Nagpupuyos ang kalooban ni Althea.

Lumapit si Donya Marcela kay Senyora Alicia.

“Tingnan mo ang dalawa balae mukhang nagkakasundo na.” ngiting ngiti ang ina ni Gabriel habang pinapanood sila.

“Sana nga balae. Nag aalala ako para kay Althea dahil simula pa lang ayaw ni Gabriel na minamanipula sya.” Baling  ni Senyora Alicia.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon