Chapter 2 page 3

422K 4.2K 145
                                    

Nakatayo si Gabriel sa kanyang opisina habang pinapanood ang mga nag daraang sasakyan sa baba at ang mga taong nagmamadali na makapasok sa kanya kanyang trabaho. Sya ang taong walang sinasayang na oras basta nasa loob ng kanyang opisina ngunit sa pagkakataong ito okupado ang kayang isipan tungkol sa kondisyong napapaloob sa kanyang mamanahin.

Hindi nya namalayan ang pagpasok ni Dennis. Ito lamang ang nakakapaglabas masok sa kanyang opisina, sa tagal na nilang magkaibigan kabisado na nito ang kanyang ugali.

“Pare, ang lalim naman ng iniisip mo.” Sabay upo sa upuan sa harap ng executive table ni Gabriel.

“Alam mo naman kung ano ang iniisip ko.” Parang naiinis na balik ni Gabriel dito. Pagkatapos basahin ang huling habilin ng kanyang abuelo ay si Dennis ang unang nakaalam tungkol na kinahaharap nyang problema sa ngayon.

“Akala ko pinag iisipan mo kung saan ang honeymoon nyo ng magiging misis mo.” Nakangising sabi nito.

“Hindi ko pa nga nakikita ang babaeng yun. We don’t know na baka ang pangit nun. Paano ko sya ipapakilala sa mga kaibigan natin.” Aburido nitong sabi.

“Nakita ko na si Senyor Rafael at Senyora Alicia sa tingin ko naman maganda ang anak nila dahil sa magandang physical features ng mag asawa.” Pampalubag loob ni Dennis.

“Sa ngayon wala akong pakialam kung ano ang hitsura nya, but I am sure na I will make her life miserable sa pagpayag sa kalokohang ito.” Galit na sabi ni Gabriel.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon