Chapter 35 part 2

304K 2.8K 382
                                    

A/N

Pasensiya na po konti ang mga ud ko these past few days...

************************************************************************************************

Chapter 35 part 2

Humahangos si Marco na pumasok sa kabahayan.

“Mama, where’s ate?” nagmamadali nitong tanong sa inang inabutan sa living room.

“She’s in her room nagpapahinga. Ano na naman yang kalokohan na ibabalita mo?” nakakunot ang noon g ginang, kilalalang kilala na nya ang anak pagdating sa mga kalokohan.

“Mama, this is not kalokohan, it’s about Gabriel Monteverde.”

Pagkarinig sa pangalang binanggit ay nanlaki ang mga mata nito. “Do you have news about that guy?” nanggigigil na sabi nito.

“That’s why I’m looking for ate.” Kumakamot sa ulong sagot ni Marco.

“Let’s talk sa library, dumiretso ka na dun ako na ang magpapatawag kay Marian.”

Walang nagawa si Marco kundi sundin ang utos ng ina.

“Diday!” ma awtoridad na sigaw ng Donya.

“Yes Maam?” humahangos pa nitong tanong.

“Puntahan mo ang ate Marian mo at sabihin mong may pag-uusapan kami sa library.”

“Opo Maam” nagmamadali na itong umalis para sundin ang utos ng amo.

“Ano ba yang ingay na yan?” bungad ni Don Emmanuel ang papa ni Marian.

“We have to talk Emmanuel nasa library na si Marco.” Pahayag ng ginang.

Tumango ang Don at nagtuloy tuloy na sa library, alam na nya ang pag-uusapan nilang mag-anak.

Kinakabahan si Marian bago pa lamang makapasok sa library at nang nasa loob na sya ay lalong nangatog ang tuhod nya.

Umupo sya sa tabi ng ina habang si Marco naman ay nakadekwatro sa pagkakaupo sa tapat nilang mag-ina.

“Marco ano ang sasabihin mo?” simula ni Don Emmanuel.

“I heard na pauwi na daw si Gabriel from Canada.”

“That’s great para mapag-usapan na natin ang problemang ito.” Sabad ng Mama nila.

Tahimik na nakikinig lamang si Marian.

“How about his wife?” hindi na nakatiis na tanong ni Marian.

“She’s also coming and I heard na nagkasundo na daw sila.” Pagbibigay impormasyon ni Marco.

“Damn!” mahinang napamura si Marian.

“Papa anong gagawin natin?” humihingi ng saklolo si Marian mula sa ama.

“Hindi pwedeng hindi ka nya pananagutan.” Madiin nitong pahayag.

“But Emmanuel that guy is already married.” Confuse na sabi ng matandang babae.

“I don’t care, madaling mapapawalang bisa ang kasal nila. Actually it was just an arrange marriage sa anak natin sya may pananagutan.” May diin bawat salitang binibitawan ng Don.

“Papa kung nagkasundo na silang mag-asawa paano pa natin sila maipaghihiwalay?” kinakabahang tanong ni Marian.

Parang bomba sa pandinig ni Marian ang marinig na nagkasundo na ang mag-asawa pero hindi nya papayagang magkatuluyan ang mga ito. Gagamitin nya ang bata sa sinapupunan para maagaw si Gabriel kay Althea.

“Don’t worry hija ikaw ang pipiliin ni Gabriel, you’ve been together for years alam kong kahit papaano may natitira pa rin syang pagmamahal sa iyo.” Confident na sabi ng Mama ni Marian.

“Are you s-sure Mama?”

“I am pretty sure sweety.” Nakangiti pa nitong sabi.

“And besides matagal na nating kaibigan ang pamilyang Monteverde, for sure mahihiya sina Roberto at Marcela na tumanggi sa hihilingin natin.” second demotion pa ni Don Emmanuel.

Tahimik na nakikinig si Marco sa kanyang pamilya. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ng kapatid pero umiiwas na tingnan sya nito.

“What will happen kung pa DNA ni Gabriel ang bata?” biglang sabi ni Marco.

Napatingin ang lahat sa kanya.

“What do you mean?!” pasigaw na tanong ni Don Emmanuel.

“Why don’t you ask ate.” Nakangisi nitong tingin sa kapatid.

“Just shut up Marco! Hindi ka nakakatulong.” Inis na baling ni Marian sa kapatid.

“Kung kayo ang magkakatuluyan ni Gabriel hija matatapos na rin ang problema naming ng Papa nyo sa company.” Tila nangangarap sa sabi ng Mama ni Marian.

“What’s going on in our company?” concern na tanong ni Marco.

“Dahil wala kang interest sa pamamalakad ng mga negosyo natin hindi mo alam ang nangyayari. Ikaw pa naman sana ang inaasahan ko na makakatulong namin.” Sumbat ni Don Emmanuel sa anak.

Hindi na lamang sumagot si Marco para hindi humaba ang usapan nila.

“Papa, what’s the problem?” nag-aalalang tanong ni Marian.

“We’re having some financial crisis right now at ang alam ko lang na makakatulong sa atin sa ngayon ay ang mga Monteverde.” Maikling pahayag ni Don Emmanuel.

“Kung ganun kailangang nyo talaga akong tulungan na hiwalayan ni Gabriel ang Althea na yun.” Sabi ni Marian sa mga magulang.

“Hija I have one question, this time I want you to tell me the truth?” ang Mama ni Marian.

Medyo kinabahan si Marian sa tono ng pananalita ng ina.

“Yes Mama.”

“Si Gabriel ba talaga ang ama nyang magiging apo namin?” walang paligoy ligoy na tanong nito.

Pagkarinig sa tanong ng ina ay bigla syang namutla.

“Mama naman, ano bang klaseng tanong yan?”

“Just answer my question Marian.”

Si Marco naman ay pigil din ang hininga habang titig na titig sa nakakatandang kapatid.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.

“Marian we’re waiting for your answer.” Pahayag ni Don Emmanuel.

“Papa, Mama I’m so-sorry.” Simula ng humikbi ito.

“Ano ang ibig sabihin nito?” malakas na sabi ni Don Emmanuel.

Napag-isip ni Marian na kailangan na nyang ipagtapat sa mga ito ang katotohanan dahil ang kanyang pamilya ang magiging kakampi nya.

“Hindi po si Gabriel.” Nauwi na sa iyak ang hikbi.

“Oh God!” nanghihinang bulalas ng kanyang Mama.

“Hindi maaari ito, si Gabriel ang ama nyang batang yan.” May awtoridad na sabi ni Don Emmanuel.

Biglang napatingin ang lahat ng kaharap kay don Emmanuel.

“Tapos na ang usapang ito at sa susunod na araw pupunta tayo sa mansion ng mga Monteverde.” Tumayo na ito at lumabas na ng library ang don. 

********************

Please read this story 

http://www.wattpad.com/story/15230986-my-married-life

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon