Chapter 31 part 1

338K 2.6K 93
                                    

A/N

Sorry hindi ko po natapos ang chapter 31 :( I will try my best na post ang next part tomorrow.

“Dude hindi ka naman excited no?” nang iinis si Dennis habang nagmamaneho.

Napag-usapan nila na si Dennis ang maghahatid sa kanya sa airport.

Habang nasa biyahe ay panay ang tingin ng ni Gabriel sa relo.

“Still early dude, kahit matraffic pa tayo ng isang oras hindi ka mahuhuli sa flight mo.”

“I just want to make sure.” Tumahimik na sya sa kinauupuan.

Hindi maintindihan ni Gabriel ang nararamdaman ngayon, masyado syang masaya at hindi kayang i-describe ang feeling.

Hindi nya rin alam kung anong approach ang gagawin nya pag nagkaharap na sila ng asawa.

Pinag mamasdan ni Dennis ang kaibigan, actually naiintindihan nya ang nararamdaman ng kaibigan. Gusto lang nyang pagaanin ang sitwasyon ngayon.

“I heard na may problem sa company nila Marian, is that true?”

“I don’t know. Marco called me a while ago.”

“Bakit daw?” nagtataka din si Dennis.

“I don’t want to receive any calls, si Althea ang priority ko ngayon.”

Nangiti si Dennis ng marinig ang sagot ng kaibigan.

“Dude, since your wife left you hindi na ba kayo nagkita ulit ni Marian?”

Matagal na hindi nakasagot si Gabriel.

Bigla syang may naa-lalang isang insidente.

Ikinuwento nya kay Dennis yung nangyari sa condo ni Marian.

Bigla nitong natapakan ang break. Halos sumubsob sila sa lakas ng impact.

“Are you sure na walang nangyari?” nagdududang tanong nito.

Binagalan nito ang pagmamaneho.

“I don’t remember.” Isang buntong hininga ang pinakawalan nya.

Napapailing na lang si Dennis.

“Problema lahat ng pinasukan. Naayos mo na ang farm?” pati ang kaibigan ay nokukunsume sa kay Gabriel.

“I asked Rick to fix everything. I hope hindi na makakarating kay Emer ito dude.”

“don’t worry hindi naman ako nagkukwento sa babaeng yun.”

Tumango na lamang si Gabriel.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon