Chapter 6 page 2

387K 3.4K 120
                                    

Hindi akalain ni Dennis na itatanong ni Gabriel yun.

“Pare naman, bakit mo naman naitanong sa akin yan?”

“Everytime na pag uusapan natin ang asawa ko puro papuri ang naririnig ko sayo. May be you’re just waiting for our annulment.” Mataas na ang boses ni Gabriel.

Tipsy na rin si Dennis kaya medyo madulas na ang dila nya.

“Hindi ko inisip ang tungkol sa annulment nyo dahil alam ko naman na hindi mo gagawin yun pero once na pinakawalan mo si Althea talagang liligawan ko sya.”

Hindi makapaniwala si Gabriel sa narinig mula sa mismong bibig ng matalik na kaibigan.

“Goddammit!!” sabay hatak sa kwelyo ng polo ni Dennis.

Kinabahan si Dennis sa nakikitang galit sa mga mata ng kaibigan handa itong pumatay kung sinuman ang aagaw sa asawa.

“Easy pare. Hindi kita tatraydurin. I just want to remind you na hindi lang ako ang pwedeng magkagusto sa asawa mo.” Inalis nito ang mga kamay ng kaibigan sa kanyang kwelyo.

Tiningnan laman ng masama ni Gabriel ang kaibigan at nagmamadaling umalis sa bar.

Habang ang iniwang kaibigan ay nakangiti at parang may binubuong masamang plano.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon