Chapter 4 page 3

384K 3.5K 8
                                    

“Napakaganda mo hija.” Maluwag ang pagkakangiti ni Senyor Rafael sa anak.

“Hindi ko namalayan na ang baby ko na mahilig sa ice cream ay ikakasal na. I am a proud father.” naluluhang dugtong ng ama.

“Papa I love you.” Niyakap nya ng mahigpit ang ama bago sila lumabas sa kwarto.

Halos lahat ng mga bisita nila ay humahanga sa kagandahan ng bride.

Habang nagmamartsa sya papunta sa altar ay hindi maiwasan ni Althea na kabahan.

----------------

Tahimik na nakatayo si Gabriel habang hinihintay ang kayang bride.

“Bakit ko nga ba ginagawa ito?.” Mahinang bulong ni Gabriel sa sarili at hindi naman nakaligtas sa pandinig ng kaibigan na si Dennis ang kanyang bestman.

“So that you could settle down as per your grandafather’s wish?” patanong na sagot ni Dennis.

Tiningnan lamang ni Gabriel ang kaibigan.

He hold his breath ng marinig ang sabi ng pari na nandun na ang bride.

Nagsimula ng magmartsa si Althea kasama ang mga magulang papunta sa altar na ginawa para sa espesyal na kasal na ito.

Halos hindi makapaniwala si Gabriel sa nakikitang bride na nagmamartsa. Humahanga ang nyang sinusundan ito ng tingin.

“Napakaganda ng bride mo pare.” Bulong ni Dennis sa kaibigan.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon