Chapter 29

371K 3.8K 190
                                    

A/N

Salamat at mahaba ang patience nyo na maghitay ng UD. 

Sorry this weekend hindi muna po ako makakapag update, out of town po ang inyong lingkod. 

Happy reading guys ;)

Chapter 29

Matagal ng nakalabas ng opisina nya si Dennis ay titig na titig pa rin si Gabriel sa maliit na papel na nakapatong sa executive table nya.

Hindi sya makapaniwala na makikita na nyang muli ang asawa.

Kailan nyang umuwi sa mga magulang mamaya para kausapin ang Papa nya.

Wala na sa trabaho ang focus nya, kaya minabuti na lang niyang umuwi ng maaga.

Nang makalabas ng opisina ay nadaanan nya ang kanyang secretary na busy sa kanyang trabaho.

Pagkakita sa boss ay agad nyang kinuha ang schedule nito.

“Sir I just want to remind you about your meeting this…”

Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng sumabad na si Gabriel.

“I want you to cancel all my appointments today.”

Nagulat ang secretary nito pero hindi na lamang kumibo.

Tinalikuran na sya ni Gabriel at nagmamdaling makalabas ng gusali.

Nagtataka rin ang mga empleyadong iniwan nya sa kompanya.

“Shh, anong nangyari kay boss? Parang nagmamdali ah.” Tanong ng isa sa secretary.

“Hindi ko nga alam eh, parang may malaking problema.” Sagot na lamang nya.

Nagkibit balikat na lamang sila at bumalik na sa kanya kanyang trabhao.

Nagulat si Donya Marcela ng makita ang anak sa mansiyon.

“Hijo mabuti naman naisipan mo kaming dalawin.”

“Mama I need to talk to Papa.”

“Hay naku, he’s still mad at you kaya be prepared. Matagal ka na rin nyang gustong kausapin.”

“Dito ka ba magdidinner hijo? Para magpapaluto ako ng mga paborito mo.”

“Yes Ma, dito rin ako matutulog.”

Lalong nagulat ang ina nito.

Hinila nito ang anak sa sofa at tinabihan. “May balita na ba kay Althea hijo? Nag-aalala ako sa batang yun.” Malungkot na sabi ng donya.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon