Chapter 5 page 3

387K 4.7K 69
                                    

Tumango lamang si Althea habang titig na titig sya sa mukha ng asawa.

Napakaganda ng labi at ang pagkunot ng noo nya ay nakakadagdag sa kanyang kagwapuhan.

“Oh my God Athea! I need your verbal answer. Hindi isang tango lamang ang inaasahan ko mula sayo.” Naiinis na bulalas nito.

Nagulat si Althea sa pagtaas ng boses ni Gabriel.

“Simulan mo na kung ano ang gusto mong sabihin.” Biglang nagbago ang emosyon sa mga mata ni Althea.

“Like what I’ve said a while ago may mga rules and regulations tayo sa pagsasamang ito.” Matatag ang bawat salita ni Gabriel.

“I want to clear some points to you. After 2 years magpafile tayo ng annulment.” Pagpapatuloy nya.

Parang binuhusan ng suka si Althea ng marinig ang sinabi ng asawa, alam na nya ang patutunguhan ng pagpapakasal nila pero ngayong mismong sa bibig ni Gabriel nagmula ito ay nasasaktan sya.

“Bakit kailangan na paabutin pa natin ng dalawang taon?” tugon ni Althea para pagtakpan ang sakit na nararamdaman.

“In 2 years time mapapatunayan ko sa abogado ng lolo na I am capable sa isang stable na relationship. Napakisamahan kita ng 2 taon kahit hindi natin gusto ang isa’t isa, I think kaya kong magtiis ng maraming taon especially kung mahal ko ang babae.” Mahabang paliwanag ni Gabriel.

Kitang kita nya ang pagbalatay ng sakit sa mukha ng asawa.

A/N

Please vote po kung nagustuhan nyo ang page na ito :)  comments po welcome din :)

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon