Chapter 1 page 9

437K 4.3K 115
                                    

Noong nakarang lingo nabalitaan ng mag asawang Salvador ang pagpanaw ni Senyor Felipe. Hindi man sila naging malapit sa isa't isa malaki ang utang na loob nila ditto.

Hindi inaasahan ng mag asawa ang tawag mula sa abogado ni Senyor Felipe nais nito na nandoon sila sa pagbabasa ng huling habilin. Ito ay napakalaking palaisipan kina Rafael at Alicia kung bakit kinakailangan nilang nandun. May halong kaba at pagkamangha sila'y dumalo doon nila nalaman ang kondisyon ng matanda sa kanila.

Nandoon din si Gabriel Monteverde ang nag iisang binata na lamang sa mga apo ni Senyor Felipe. Nang marinig ang habilin ng kanyang abuelo hindi nya maiwasang magdamdam dito at hindi nya akalain na gagawin ito ng matanda. Siya ang pinagkakatiwalaan nito sa mga kompanya nila at nakapagbigay na rin sya ng malaking kontribusyon sa anumang tinatamasa na tagumpay ng kompanya mula ng magsimula syang mag take over sa pamamahala mula sa kanyang lolo.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni lolo at may kundisyon ang aking mamanahin!?" matigas ang tinig ni Gabriel sa harap ng abogado at sa mga magulang ni Althea.

May pagpapaumanhing tumingin si Senyor Rafael kay Gabriel. "Kami rin ng aking esposa ay hindi makapaniwala sa gusto ni Senyor Felipe Gabriel. Nag iisa naming anak si Althea at ayaw sana naming pangunahan sya pagdating sa pag aasawa."



"Kahit hindi ko pa nakikita ang inyong anak at para sa katahimikan ng kaluluwa ng lolo ay pakakasalan ko sya. Ngunit ngayon pa lamang ay sinasabi ko sa inyo na hindi ko masisiguro kung magiging mabuting asawa ako sa kanya." May diin ang bawat salitang binitawan ni Gabriel.

Please support my audiobook.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon