Chapter 11 part 2

401K 3.7K 217
                                    

A/N 

Thank you sa mga nag likes at nag comments. Sana po patuloy nyong subaybayan ang story nina Gabriel at Althea. 

Please vote and comment po :)

Matagal ng nakaalis ang mga magulang pero tahinik pa ring nakatulala si Althea  sa living room.

Kinakabahan na sya sa nagging consequences ng pagpayag nya sa pagpapaksal kay Gabriel. Akala nya ay magiging simple lang ang lahat pero sa tinatakbo sa kasalukuyan ay nagiging magulo na.

Hindi nya alam kung hanggang saan nya kayang panghawakan ang pangako sa sarili na gagawin nya ang lahat matutunan lamang syang mahalin ni Gabriel.

Hirap na hirap na sya sa kanyang sitwasyon.

“Hija tahimik ka naman dyan.” Nag aalala na tinig ni Nana Chato.

Matipid na ngiti lamang ang sinukli nya dito.

“Naulinigan ko kanina ang Papa mo. Alam kong hindi tama ang pakikinig sa usapan, hindi ko sinasadya hija.” Malumanay nitong paliwanag.

“Nag-aalala po sila Papa sa kalagayan ko kay Gabriel.” Malalim na buntong hininga nito.

 “Kahit sinong magulang ay mag-aalala, lalo na ang makita ka nilang nangangayayat. Kahit hindi ka magsalita alam kong nahihirapan ka ng makisama sa alaga.”

“Nana sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko.” Parang bata na syang umiyak sa balikat ng matanda.

“Sus na batang ito.” Sabay hagod sa likod ni Althea.

“Kung ako sa kalagayan mo nunka akong magtitiis sa alaga ko, lalayasan ko talaga sya.” Hindi na natiis ng matandang katiwala na ibulalas ang matagal ng nasa dibdib nya.

Sa loob ng maigsing panahon ay napalapit na silang lahat kay Althea. At tuwing sinasaktan ni Gabriel si Althea ay si Nana Chato ang nagdaramdam.

May mga pagkakataon ngang hindi kinakausap ng matanda ang alaga.

“Mahal kop o si Gabriel Nana.” Kumpisal nito sa matanda.

“Hay lintek na pagmamahal yan. Kaya nga hindi na ako nag asawa.” Pumapalatak nitong sabi.

Napatingin si Althea ng seryoso sa matanda.

“Hija, hindi maaayos ang relasyon nyo kung ikaw lang ang nagmamahal kay Gabriel. ”

“Ano po ang dapat kung gawin?”

“Hindi malalaman ng damuhong batang yun ang importansiya habang nandito ka tabi nya.”

Nanlalaki ang mga mata ni Althea. “Pinapaalis nyo na po ba ako dito.”

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon