Chapter 3 page 4

395K 3.6K 11
                                    

Hindi magkanda ugaga ang mga kasambahay ng Salvador. Ilang minuto na lamang at darating na ang pamilyang Monteverde.

Si Althea man ay kabado sa unang paghaharap nila ni Gabriel.

"Althea tumawag na sa akin si Don Roberto." Pagbibigay alam ng ama.

"Darating ba daw sila Papa?"

"Ano ka ba namang bata ka? Parating na sila. And in a few minutes nandito na sila." Nakangiti si Senyor Rafael sa anak.

"Rafael nandito na sila." Natatarantang anunsiyo ni Senyora Alicia.

Dali daling pumunta ang mag asawa sa front door upang batiin ang kanilang panauhin.

Sa mga darating na araw ang mga panauhing nila ay magiging bahagi na ng pamilya.

May nakahandang ngiti sa mga labi si Donya Alicia.

Samantala atubiling sumunod si Althea sa mga magulang.

Pag ibis sa sasakyan nina Don Roberto at Donya Marcela ay pawang nakangiti.

"Hindi ba kayo nahirapang hanapin ang farm?" untag ni Senyor Rafael

"Napakadaling magbiyahe papunta dito sa Salvador Farm dahil kakilala kayo ng mga tao dito."nakangiti ring wika ni Don Roberto.

Bumaling ang mag asawang Monteverde sa dalagang katabi ng mag asawa.

"This is my daughter Athea." Pagpapakilala ni Senyor Rafael.

Please support my audiobook in yt (terelou1220). Thank you

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon