Chapter 4 page 2

387K 3.1K 5
                                    

Sa kabilang silid ng mansion kung saan binibihisan si Althea.

Malungkot ang mga matang nakatingin si Althea sa salamin.

Iniisip nya kung sanang may pag ibig na namamagitan sa kanila ni Gabriel ay sya na ang pinakamasayang babae sa ngayon.

Sino ba ang hindi magkakagusto sa isang Gabriel Monteverde?. Nakapaka gwapo nito at ubod pa ng yaman.

“Cheer up hija. Dapat masaya ka dahil araw ng kasal mo ngayon.” Nakangiti si Senyora Alicia sa anak.

“Mama, hindi mo ako masisisi kung ganito ang nararamdaman ko.”

“Mukhang mabait naman si Gabriel anak at alam kong hindi ka pababayaan ng mag asawang Monteverde.”

“I’m not comfortable with this wedding Mama.” Malungkot na sambit ni Althea.

“Ngayon ka pa aatras anak?. Nandito na tayo.” Pilit na pinapatatag nito ang kalooban ng anak.

“Ma, don’t worry nakapag desisyon na ako and I have to face the consequences.”

“Para sa inyo ni Papa gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.” Naluluhang wika nito.

“Salamat anak. Mabuti pa puntahan ko muna ang Papa mo. Ayoko ng drama sa kasal ng unica hija ko.” Sabay yakap sa anak. 

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon