Chapter 16

405K 3.3K 98
                                    

A/N

Maraming salamat po sa inyo, ang dami ng reader ng MUW..

Please vote and comment po ^^ 

“Rick gusto kong alamin mo ang mga transactions ng Salvador farm.” Sabi ni Gabriel dito.

Hindi lingid sa kaalaman ni Rick kung ano ang nangyayari sa personal na buhay ng boss.

“Yes Sir”

“Ayoko ring malalaman ng mga magulang ko ang tungkol dito. Tayong dalawa lang ang makakaalam.

“Yes Sir” ang tanging naisagot lamang ni Rick dito.

“Ok, gust kong simulan mo ito as soon sa possible.” At tinapos na ni Gabriel ang pag-uusap.

May mga bagay na naglalaro sa isip ni Gabriel ng mga oras na yun.

Sa ngayon ay sya lamang ang nakakaalam.

Kung dumating man ang panahon na malaman ito ng mga magulang nya baka hindi sya mapatawad ng mga ito.

Maagang sinundo ni Emily ang kaibigan ipapakilala nya ito sa mag-asawang Campbell.

“Kumusta ka kagabi? Nakatulog ka ba?” tanong ni Emily dito habang nagmamaneho.

“Hindi masyado may jet lag pa ako.” Nakangiting sagot ni Althea.

“Don’t worry in a few days adjusted na rin ang body clock mo.”

“Kaya lang may problem ako Ems.”

“Huh” napalingon ito sa kaibigan na atubiling sabihin ang problema.

“What is it?”

“Sobrang laki ng bahay nakakalungkot.” Kagat ni Althea ang labi.

Nahihiya na sya sa kaibigan.

“Akala ko naman kung anong problema na.” pumapalatak si Emily.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon