Chapter 4 page 1

408K 3.2K 20
                                    

Araw ng kasal

 

Tuwang tuwa sina Don Roberto at Donya Marcela ito ang araw ng pag iisang dibdib nina Gabriel at Althea.

Sa mansion ng mga Monteverde magaganap ang garden wedding. Karamihan sa mga bisita ay galing sa alta sosyedad.

Ang mga media ay handa na rin na saksihan ang wedding of the year. Maraming mga kadalagahan ang lubhang naiinggit kay Althea.

May mga lumabas pa ngang negatibong wtite ups tungkol kay Althea. Mabuti na lang supportive ang kanyang future pareants in law. Pinagtatanggol sya ng mga ito.

Habang nagbibihis si Gabriel sa kanyang silid sa mansion ay pumasok si Donya Marcela.

“Mama, anong klaseng tingin na naman yan?”

“Gabriel ngayon pa lang binabalaan na kita, hwag mong sasaktan ang magiging asawa mo.”

Lumapit ang binata at hinagkan ang noo ng ginang.

“Alam ko ang pinaplano mong bata ka. Si Althea man ay biktima lamang sa sitwasyong ito. Be kind to her.” May diin ang salita ng ina.

“Don’t worry Mama, alam ko ang ginagawa ko.” Seryoso nitong sagot sa ina.

“Bilisan mo ng magbihis, malapit na ring matapos si Althea. Hintayin ka naming ng papa mo sa labas.” Pamamaalam nito.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon