CHAPTER 6 PAGE 1

389K 3.4K 72
                                    

Dalawang buwan ang matuling lumipas. Sa mga panahong yun ay halos hindi nagkikita ang mag asawa sa bahay laging busy si Gabriel sa kompanya at si Althea naman ay busy din sa farm nila lalo na ngayong anihan.

“Pare kung maka gimik ka parang wala kang asawa ah. Halos gabi gabi tayong nagbabar hopping. Tulad ngayon magpapakalasing na naman tayo” Nang iinis si Dennis

“Wala namang pakialam sa akin si Althea, busy yun sa farm nila.” Parang batang nagsusumbong sa kaibiga.

Ang lakas ng halakhak ni Dennis. “Don’t tell me na hindi ka pinapansin ng asawa mo.”

“Inaasikaso naman nya ako. She’s preparing my clothes and my food everyday hanggang dun lang. Parang lagi syang takot na lumapit sa akin.” Nailing si Gabriel dahil na iimagine nya ang mukha ng asawa tuwing magkakaharap sila.

Lumagok muna ng Jack Daniels si Dennis bago sumagot.

“Baka naman kasi tinatakot mo, kaya ilag na ilag sayo. Aba kung ako ang magkaka asawa ng ganun kaganda hindi ko na pakakawalan yun.”

Matamang tinitigan ni Gabriel ang bestfriend. “Tell me the truth Pare.”

“Ano yun?” nagulat si Dennis sa timbre ng boses ng kaibigan.

“Do you like my wife?” mababakas sa boses ni Gabriel ang pag kairita

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon