Chapter 6 page 8

395K 3.2K 26
                                    

Nagmamadaling pumasok si Althea dahil ayaw nyang sumigaw na naman ang asawa. Inabutan nya itong naghihintay sa kanya sa living room.

“Gab I’m sorry pinakialaman ko yung space.” Sya na ang unang nagpakumbaba.

“Kailan ba kita binigyan ng karapatan sa pamamahay ko?” angil nito

Nagpipigil ang galit si Althea ng marinig ang sinabi nito.

“Magmula ng ikasal tayo Gabriel may karapatan na rin ako dito. I respect you kaya lahat ng desisyon ko ay pinapaalam ko sayo” malumanay pa rin sya.

“Lahat nga ban g desisyon mo Althea pinaalam mo or you’re just informing me?” mataas na ang boses ni Gabriel.

Marahas na napabuntong hininga si Althea. “Kung ang ikinagagalit mo ay ang paglalagay ko ng greenhouse don’t worry bukas na bukas ipapatanggal ko. Napakaliit na bagay para pagtalunan natin.”

Habang nagsasalita ang asawa ay titig na titig si Gabriel sa mukha nito hindi sya makapaniwala na kahit namumula na sa galit si Althea ay napakaganda pa rin nito. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit gustong gusto nyang inisin ang asawa.

“Ayokong pumunta ka sa farm na hindi ko nalalaman.” Pag iiba nya sa usapan.

“Naging busy lang naman ako the past few days dahil harvest time, kailangan ni Papa ng makakatulong na mag asikaso sa mga pangangailangan ng mga tao. I’m sorry hindi na mauulit” Malumanay pa rin ang pagsasalita nito.

“That’s good kung hindi na mauulit and about sa greenhouse hwag mo ng ipaalis yun para wala kang mairereklamo sa akin na naiinip ka dito sa bahay pero ito na ang huling pakikialam mo sa pamamahay ko.” May diin ang mga huling salita ni Gariel.

“Kakaiba talaga ang lalaking ito.” Bulong ni Althea sa sarili

“May sinasabi ka? Care to share it.” Nang iinis ang tono ng pananalita nya.

“Nothing, nakalimutan ko lang ayusin ang bihisan mo aakyat muna ako sa kwarto.” Nagmamadaling tumayo ito sa sofa.

Hindi pa sya nakakaisang hakbang ng muling nagsalita ang asawa.

“Bilisan mo may pag uusapan pa tayo.”

Tiningnan lamang nya ang asawa at nagmamadali ng umakyat.

Mula ng ikasal sila nito ay sya na ang personal na nag aayos ng mga pangangailangan ni Gabriel hindi dahil pinag uutos nito kundi ito talaga ang gusto nya. 

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon