Chapter 3 page 7

392K 3.5K 38
                                    

"I don't agree with that." Sabi ni Gabriel

"Halos buong Pilipinas inaabangan ang kasal ko. Gusto kong enggrande ito." Dugtong ni Gabriel.

Hindi papayagan ni Gabriel na makuha ang gusto ni Althea. Ngayon pa lamang ay may nais na syang ipahawatig sa dalaga.

"Kung yan ang gusto mo Hijo, wala kaming magagawa." wika ni Senyora Alicia.

"Ngayon naman na nagkasundo na tayo tungkol sa kasal let's drop the formality Kumapadre." Natutuwang wika ni Don Roberto.

Pagkatapos kumain ng hapunan nagyaya si Don Rafael na magkwentuhan sa gazebo. Samantalang iniwan sina Gabriel at Althea sa living room.

Sobrang katahimikan ang namamagitan sa kanila. Halos maririnig ang bilis ng pintig ng dibdib ni Althea.

"Tomorrow ipapasundo kita sa driver para makapamili ka na ng wedding gown mo." Simula ni Gabriel.

"Meron ka namang wedding planner na nakausap di ba? Sya na lang ang mag asikaso ng lahat." Sagot ni Althea.

"You sound na napipilitan ka sa kasal na ito." Nanguuyam na wika ni Gabriel.

Napatingin si Althea sa mukha ng kausap nakarehistro ang pagka inis.

"Nasa iyo ang lahat ng chance na hindi pumayag pero hinayaan mong dumating pa ang oras na ito." Medyo mataas na ang boses ni Gabriel.

"Alam ko naman na sinamantala nyo ang pagkakataong ito para maugnay ang pamilya nyo sa pamilya naming." Patuloy ni Gabriel.

Please support my audiobook in yt (terelou1220). Thank you

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon