Chapter 19

371K 2.9K 193
                                    

A/N

Thank you so much po sa lahat ng mga nag comment at nag vote. 

Sana po patuloy ninyong ma appreciate ang MUW. 

Sorry kung hindi po ako agad nakakapag update dami ko rin po kasing ginagawa sa work ;)

Nagmamadaling umalis si Gabriel sa opisina may meeting sya sa isang Japanese Restaurant with his prospect investors.

“Nailagay mo ba lahat ng mga documents na kailangan ko?” tanong nya sa kanyang secretary ng madaanan sa mesa nito.

“Yes Sir, kompleto po lahat.” Mabilis na sagot nya.

“Great” tinalikuran na nya ito at lumabas na.

Hindi nya maaring palampasin ang mga investors na ito. Lalong lumalaki ang negosyo nya.

Nang makarating sya sa parking area ay biglang tumunog ang cellphone nya.

Nagmamadali nya itong sinagot.

“Rick, something new?” tanong nya dito.

“Sir, we need to talk in person may mga development na sa mga ipinapagawa nyo.”

“Good” nakamgiti nitong sabi.

“I’ll see you tomorrow in my office..”

“Ok sir.”

“Thank you Rick.” Tinapos na nito ang usapan.

Paglabas nya ng sasakyan ay biglang may tumawag sa kanya.

Pamilyar ang boses nito.

At ng lingunin nya ay napabuntong hininga sya.

Alam nyang kukulitin na naman sya nito.

“Hi, Gabby.” Malungkot ang tinig ng babae.

“Hi” sabay tango at nauna na sya dito.

“Gab, can we talk?” lalo pa nyang pinalungkot ang tinig pati na rin ang mukha.

“I’m sorry Marian, I’m in a hurry, I have an appointment.” Lalo pa nyang nilakihan ang mga hakbang.

“Gab please.. I have a problem, I need someone to talk too” pagmamakaawa nito.

Huminto sya sa paglalakad hanggang sa magkaagapay silang papunta sa restaurant.

Hindi nila alam na may mga matang nakatingin sa kanila habang ito ay may kausap sa cellphone.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon