Chapter 2 page 2

433K 3.9K 57
                                    

Lingid sa kaalaman ng mga magulang magmula ng magdalaga si Althea ay may lihim na syang paghanga kay Gabriel ngunit para sa kanya ay imposibleng mangyari na magkakadaupang palad sila. Kaya murang edad ay pilit na pinatay ang espesyal nyang nararmdaman para dito.

Marami syang mga naririnig at nababasa tungkol sa pagiging magaling na negosyante ni Gabriel pati na rin ang kaliwa't kanang pakikipagrelasyon sa iba't ibang babae mula sa mundong ginagalawan nito.

Tinawagan ni Althea si Emily ang kanyang bestfriend upang may mapagsabihan ng sama ng loob. Mula ng sila ay mag high school hanggang kolehiyo ay nagging malapit sila sa isa't isa, naghiwalay lamang sila nito ng makapag asawa ito at nanirahan na Canada.

"Ems, busy ka ba?" pilit nan pinapasaya ni Althea ang tinig

"Alam mo naman kahit busy ako I am willing to drop everything para sayo. And I know mahalaga ang sasabihin mo dahil hindi ka tatawag sa akin ng overseas call kung hindi importante." Mahabang litanya ng nasa kabilang linya.

"Kailangan ko lang ng makakausap sa ngayon." Nahihirapan nitong sabi.

"Anong problema Thea?" concern na si Ems. Alam nyang napaka positibo ng kaibigan ngunit sa mga sandaling ito nahihimigan nya ang kalungkutan sa tinig ni Althea.

Nagsimulang ikwento ni Althea ang mga napag usapan nila ng mga magulang pati na rin ang habilin ng namayapang Senyor Felipe.

Pagkatapos marinig ang salaysay nito ay nalungkot din si Emily para sa kaibigan. Alam nya na pangarap ng kaibigan ang mala fairy tale na love story.

A.N.
Please support my audiobook in yt (terelou1220)

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon