Chapter 12 part 1

395K 3.7K 68
                                    

A/N

Hopefully matapos ko po bukas ang part 2 ng chapter 12.

Please vote and like po. Happy reading :)

Halos maloka si Emily pagkarinig sa kwento ng kaibigan.

“You don’t deserve him. Ang mabuti pa ayusin mo ang papers mo ditto ka muna sa Canada.” Gigil na gigil si Emily.

“Ems, anytime darating na si Gabriel. Ano ang gagawin ko? Ayoko na sa relasyong ito.” Umiiyak na naman sya.

“Kung ako ang tatanungin mo dapat ngayon pa lang ay mag empake ka na at umalis ka na sa bahay na yan.”  Mataas na ang level ng emosyon ni Emily.

“Tatawagan ko ang kapatid ko na ihatid ka sa rest house namin sa bulacan para habang nag-aayos ka ng papers mo doon ka muna tumuloy.”

“Tama ba ang gagawin ko?” nag-aalinlangan pa rin si Althea.

“Ito na ang pinakatamang gagawin mong desisyon sa ngayon. Pack your things then sa bahay ka muna sa Pasig tumuloy, kakausapin ko na ang kapatid ko.” Nagmamadali na nitong mando kay Althea.

“Ok, I’ll talk to you later kapag nasa Pasig na ako.” Nagmamadali na rin si Althea.

Sa mga sandaling ito galit ang nararamdaman nya kay Gabriel, kaya nyang tanggapin ang pananakit sa kanya ng asawa pero ang may babaeng involve habang sila ay kasal hindi nya kayang tanggapin.

Nagmamadali syang bumaba para tawagin ang mga kasambahay, magpapatulong sya sa mga itong mag-empake ng mga gamit nya.

“Nana Chato!, Mayet!” halos talunin na nya ang ilang baitang ng hagdan para makababa sya ng tuluyan.

Dali-daling lumapit ang mga tinawag.

“Maam, bakit po?” humahangos si Mayet.

‘Pakitulungan nyo naman akong mag-ayos ng mga gamit ko.”

“Sus na batang ire akala ko naman napano ka na.” umiiling na wika ng matanda.

“Pakibilisan po baka maabutan tayo ni Gbariel.” May kaba sa tinig nya.

Natatakot sya na magkita sila ng asawa dahil baka mawalan sya ng lakas na iwan ito.

Baka kapag maabutan sya nito ay manaig na naman ang pagmamahal nya para rito.

“Anu naman kung maabutan tayo ng asawa mo? Nag-aayos lang naman tayo ng gamit nyo.” naguguluhan ang matanda

Hindi na lamang sumagot si Althea at tuloy tuloy na sa kanyang kwarto.

Pinagmamasdan lamang sya ng dalawang kasambahay ng isa-isa nyang ilabas sa closet ang mga damit nya.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon