Chapter 1 page 7

445K 3.7K 21
                                    

Kabado na si Rafael pagbaba pa lamang nya sa kanyang sasakyan. Magkikita sila ni Senyor Felipe sa Maynila sa main branch ng Monteverde Bank. Halos tatlong oras din ang biyahe nya mula sa San Simon. At umaasa sya na pagbibigyan syang muli ng Senyor.

Pagpasok nya sa gusali ay nagtuloy agad sya sa receptionist upang kompirmahin ang meeting.

“I’m Rafael Salvador and Senyor Felipe is expecting me.” Magalang nyang pakilala sa sekretarya.

‘Ok sir, dito po tayo sa conference room. Wala pa po si Senyor Felipe pero parating na rin po sya.”

Nang bumukas ang pintuan ng conference room ang bumungad sa kanya ay ang seryosong mukha ni Senyor Felipe.

Nagmamadaling tumayo si Rafael upang magbigay galang sa haligi ng Monteverde. Nakipagkamay sya rito at magalang na binati.

“Magandang hapon Senyor.” Nakangiti nitong bati.

Nginitian sya ng matanda at mahigpit na nakipagkamay dito.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa Salvador Farm.” Panimula nito.

“Kaya po ako naririto Senyor upang makiusap kung maaari sana na dagdagan ang aking loan sa Monteverde Bank upang makapag simula kami ulit.” Kinakabahan nitong sambit.

Tinitigan sya ng matanda bago nagsalitang muli.

Pinagpapawisan si Rafael sa tension na kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon