Chapter 1

740K 6.9K 55
                                    

Hindi alintana ni Althea ang pagod. Alam nyang oras na ng hapunan ngunit abala pa rin sya sa pag aasikaso ng mga dokomentong kailangan para bukas. Magmula ng matapos nya ang kanyang kursong business administration tatlong taon na ang nakakaran ay sinimulan na nyang tulungan ang kanyang papa sa pagpapatakbo ng kanilang Farm. Sila ang nagsusuply ng mga pangunahing agricultural products sa kanilang bayan at sa mga karatig bayan din nila.

Napasimangot sya ng marinig na mag ring ang kanyang direct phone alam na nya ang tumatawag ay nag kanilang kasambahay na si Aling Marta o ang kanyang Mama upang kulitin sya na umuwi na sabay sabay na maghapunan. Ngunit sa mga sandaling ito hindi pa rin nya natatapos ang mga dokumentong kailangan ng Department of Agriculture. Nilapitan nya ang telepono na patuloy na nag iingay.

"Hello" walang gana nyang sagot.

" Athea hija hindi ka pa uuwi?, hinihintay ka namin ng iyong papa para sa hapunan at may importante din kaming sasabihin sayo." Si Senyora Alicia,

"Mama, mauna na kayong maghapunan ni Papa please, tatapusin ko lang ito then uuwi na ako. Promise bukas babawi ako sa inyo at kung anuman ang mahalaga nating pag uusapan alam kong makakapaghintay bukas yan.. Please Mama." Malambing nyang pakiusap sa Senyora.

Habang nasa breakfast table sila kanina nabanggit na ng kanyang Papa na may importante silang pag uusapan at nahalata nya na hindi makatingin ng diretso sa kanya ang kanyang Papa. Alam nyang hindi ito tungkol sa kanilang negosyo dahil maganda ang takbo nito.



Ang lagi lang naming inuungot sa kanya ng magulang ay ang pag aasawa ngunit sa ngayon ay wala pa talaga syang napupusuan sa kanyang mga manliligaw. Palaisipan sa kanya kung ano man ang dapat nilang pag usapan ngayong hapunan,

Audiobook

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon