Chapter 24

383K 3.6K 107
                                    

Hindi maintindihan ni Gabriel ang sarili, narinig lang nya ang boses ng asawa ay napakasaya na ng pakiramdam nya.

Ito na ang pagkakataon na hinihintay nya na malaman kung nasaan ang asawa.

“Where are you?” agad na tanong ni Gabriel kay Althea.

Nang walang sumasagot sa kabilang linya ay nagsalitang muli si Gabriel. “Althea please answer me, halos ipahalughog ko na ang buong Pilipinas para mahanap ka lang.”

Umaasa si Gabriel na sasabihin ng asawa ang konaroroonan nito.

“I will come there para makapag-usap tayo.” Bumigay na si Gabriel.

Natatakot syang mawala pa sa kanya ang pagkakataong ito para makita ang asawa.

“A-ako na lang ang uuwi dyan.” Sabi ni Althea sa nauutal na tinig.

Napakabilis ng tibok ng puso ni Althea para syang teenager na kausap ang crush.

Hindi inakala ni Althea na magiging malumanay ang magiging pag-uusap nila pagkatapos ng mga hindi magandang nangyari.

Habang nakikinig ang mga magulang ni Althea sa pakikipag-usap ng manugang sa kanilang anak sa telepono ay hindi maitatago ang kaligayahan sa kanilang mga mukha.

Si Emer din ay natutuwa sa mga naririnig kay Gabriel. Nakikita nya dito ang sincerity na pabalikin ang asawa.

“Kailan ka uuwi?” mabilis na tanong ni Gabriel.

“Maybe next month I’ll just wait for my boss then I’ll inform you my flight details.”

Nagulat si Gabriel sa narinig mula sa asawa.

“Oh God Althea you mean you’re working!” gilalas na sabi nito

“Wala naman kasi akong magawa dito..” hindi pa natatapos ni Althea ang sasabihin ng sumabat si Gabriel.

“Then go home marami tayong pag-uusapan.” Pangungumbinsi ni Gabriel sa asawa.

“Gab kailangan talaga nating mag-usap may sasabihin ako sayo.” Malumanay na sabi ni Althea.

“Pupuntahan kita, just let me know kung nasaan ka.” Pamimilit ni Gabriel

Nangingit si Althea habang pinakikinggan ang asawa.hindi niya akalain na sa simpleng tawag sa telepono ay magkakaayos sila.

“Hello?, Hello?” kinakabahan si Gabriel ng wala ng sumagot sa kabilang linya.

“Althea?” hindi pa rin sumusuko si Gabriel

Pero wala na talagang sumagot pa.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon