Chapter 30

369K 2.9K 177
                                    

A/N

Alam ko po na miss nyo ang ud ng MUW. 

Thank you for your patience. 

I hope you'll like this chapter :)

Chapter 30

Nagmamadaling umakyat si Marco sa condo unit ng kapatid.

Pinindot nito ng matagal ang door bell.

“Sino ba naman itong nasa labas kung makapag door bell parang may sunog.” Inis na lumalabas ng kwarto si Marian.

Habang si Marco naman ay walang tigil sa pag press ng buzzer.

Nang buksan ni Marian ang pintuan ay tinapunan ng masamang tingin ang kapatid.

“What bring you here? Para namang may emergency, pwede mo naman akong tawagan.” Nangigigil sya sa kapatid.

Nitong mga nakaraang araw hirap na hirap syang magkikilos dahil lagi syang tinatamad idagdag pa ang morning sickness nya.

Hindi na rin maitatatago ang lumalaki nyang tiyan.

“Ate, I heard news about Gabriel.” Tuloy tuloy itong pumasok at umupo sa sofa sa living room.

Pagkarinig sa pangalan ni Gabriel ay biglang naging intresado si Marian.

“What is it?” umupo sya sa tapat ng inupuan ng kapatid.

“Are you sure you want to hear the news?” nakakalokong ngumiti pa ito sa kapatid.

Tiningnan na naman nya ng masama ang kapatid.

Kahit kailan talaga hindi ito matinong kausap.

“Kung mang-aasar ka lang pews makakaalis ka na.” sabay tayo nito.

“Masyado namang mainit ang ulo mo Ate.”

“Sinong hindi iinit ang ulo, inistorbo mo ang pamamahinga ko. Wala ka namang sasabihing matino!” malakas na ang boses ni Marian.

“Ate this information is very important for you. I know your plan from the start.” Nakangisi sya sa nakakatandang kapatid.

“I don’t understand you.” Nagmamaang maangan pa si Marian.

“Gabriel found his wife.” Mabilis na sagot ni Marco.

Halos magkulay suka ang mukha ni Marian ng marinig ang sinabi ng kapatid.

Nanghihina syang napaupo muli.

Tumayo naman si Marco para alalayan ang kapatid.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon