Chapter 22

384K 3.3K 114
                                    

Pagkababang pagkababa ni Emer ng telepono ay agad na tinawagan ang katiwala nila sa San Simon upang ipaalam na darating sya bukas.

Kailangan nyang asikasuhin ngayon ang trabahong maiiwan.

Nagmamadali syang lumabas ng bahay ng biglang na namang tumunog ang cellphone nya.

“Hi Dennis” sinigurado nyang malambing ang boses nya.

“Emer just want to remind you about our dinner tomorrow night.”

Napakagat ng labi si Emer. “Oh My God! I’m so sorry I forgot it.” Bulalas nito.

“That’s why I am reminding you.” Malumanay na sabi ni Dennis.

“But Dennis..” matagal na katahimikan.

Hindi nya alam kung sasabihin nya ba kay Dennis na kailangang nyang umuwi ng San Simon para tulungan ang pamilya ni Althea.

“Emer are you still there?” nagtataka si Dennis

“Sorry Dennis I have to visit our family business.” Pagbibigay dahilan nya dito para hindi maghinala.

Alam nyang alam ni Dennis na isa sa mga Ignacio na taga San Simon ang tumulong kay Althea.

Nakita nya ang pagkagulat sa mukha nito ng malaman na isa syang Ignacio.

“Can you reschedule it? After our dinner I can accompany you kahit anong araw.” Mahalaga kay Dennis ang dinner na yun dahil ipinangako nya sa mga magulang at mga kapatid na may ipapakilala sya.

“I’m sorry we have an urgent matters tungkol sa rancho.” Nakukulitan na si Emer dito.

Kung pwede nga lang nyang ibaba na ang telepono ay gagawin na nya, kaya lang kailangan nya si Dennis para makakuha ng impormasyon tungkol kay Gabriel.

“Okay, pero susundan kita dun ha?”  ingit pa rin ni Dennis

“Ikaw ang bahala.” Hindi na komontra si Emer para matapos na ang usapan nila.

“Ingat ka.” Sabi ni Dennis at ibinaba na ang telepono.

Napasimangot si Emer.

“Ang kulit mong lalaki ka, kung hindi lang kita kailangan para kay Ate Althea baka matagal na kitang nadispatsa.” Bumubulong si Emer habang pasakay ng sasakyan.

________________________________________

Maagang nagpasundo si Althea ayaw nyang mag-isa sa bahay dahil lalo lamang syang nalulungkot.

Nang makarating sa opisina nya ay sinimulan na nyang asikasuhin ang mga trabahong hindi nya natapos kahapon.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon