Chapter 31 part 2

336K 3.3K 185
                                    

A/N

For sure marami na naman pong sisigaw ng bitiiin! 

Sorry po I don't have enough time para makapag UD ng mahaba.

San Simon

“Tito are you sure?” nanlalaki ang mga mata ni Emer habang kausap si Senyor Rafael.

“Yes, kabababa ko lang ng telepono, papunta na sya sa airpot.” Kampanteng tugon nito.

“Wow! I hope everything will be fine.” Kinikilig na sabi ni Senyora Alicia.

“Do we need to call Ate Althea to inform her?” namimilog ang mga mata nito sa excitement.

“Hwag na muna tayong makialam sa kanila. ” Pang- aawat ni Senyor Rafael.

“I promised to Gabriel that I will not tell this to you Emer, he knows you na tatawagan mo si Althea.” natatawang dugtong ng Senyor.

Napasimangot si Emer.

“Tito sinong kakampi mo dito?” kunwa’y nagtatampo nyang sabi.

Doon na napahalakhak si Senyor Rafael, pati si Senyora Alicia ay natawa na rin.

“Hija, syempre tayo ang magkakampi pero this time iba naman ang situation. Nakita mo naman na nahihirapan na rin si Gabriel sa pagkawala ni Althea.” mahabang paliwanag ng Senyor kay Emer.

Tumango na lamang si Emer.

Ngayon nakakatawa na ang mag-asawa dahil unti unti ng umaayos ang takbo sa farm. Alam nilang si Gabriel din ang nag-aasikaso nito.

“Dapat tito matawagan natin si Ate Althea baka umalis sya bukas walang maaabutan si Gabriel.” Excited na ri si Emer.

“Please call her hija, pero hwag kang magpapahata ha.” Bilin ni Senyora Alicia.

Mabilis na tumayo si Emer para kunin ang telepono.

Nakakailang ring pa lang sa kabilang linya ay sinagot na agad ito.

“Hello” boses ng bagong gising ang bumungad kay Emer.

“Hi Ate, how are you?”

“I’m good, ang aga mo namang napatawag Emer. May problem ba dyan?” nag-aalala ang tono ni Althea.

“Don’t worry about us, nagiging maayos na ang lahat.” Masayang balita ni Emer.

“Haaay.. thank you so much Emer for helping us.” Nakahinga na ng maluwag si Althea.

Akala nya ay tuluyan ng babagsak ang kabuhayan nila.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon