Chapter 25

382K 3.5K 124
                                    

Maagang gumising si Gabriel hindi pa sya nakakababa ng tuluyan sa hagdan ay nauulinigan niyang nag-uusa ang mga biyenan niya sa living room.

Agad siyang napansin ng mga ito.

“Bakit ang aga mong gumising hijo? Hindi ka ba komportable sa binigay naming kwarto sayo?” nag-aalalang tanong ng biyenan niyang babae.

Tuluyan ng nakababa si Gabriel. “Maaga po talaga akong gumigising.” Pagsisinungaling niya.

Hindi niya masabi sa mga ito na hindi talaga siya nakatulog dahil sa kaiisip sa mga problemang na siya rin ang gumawa.

“Mabuti pa sabayan mo na kaming magcoffee siguradong mamaya pa bababa si Emer.” Yakag ni Senyor Rafael sa kanya.

Sabay sabay silang nagtungo sa komedor kung saan nakahanda na ang kape nila.

Binalingan ng Senyor si Nana Marta.

“Marta tumawag ba ulit si Althea?”

“Hindi na po Senyor.” Maikling sagot nito.

“Anong oras ho ba ang pagtawag ni Althea?” hindi na nakatiis na tanong ni Gabriel.

“Madalang lang kasing tumawag si Althea hijo, pero mula ng malaman niya ang nangyayari sa farm ay halos araw araw na.” Si Senyora Alicia ang sumagot sa tanong niya.

“Sa tingin nyo ho tatawag sya ngayon?” parang batang nangungulit si Gabriel.

Napangiti si Senyora Alicia. “Hijo may tatanungin sana ako sayo?”

Kinabahan si Gabriel at napatitig sa biyenang babae. “Ano ho iyon?”

“Kung babalik ba si Althea ano ang plano mo? Dahil kung aawayin mo lang ulit ang anak namin ipa annul na lang ninyo ang kasal nyo.” Habang nagsasalita si Senyora Alicia ay diretso niyang tinitignan sa mga mata ang manugang.

Nagulat si Gabriel sa tanong ng biyenan. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.

“I think this is the right time to ask an apology. Alam ko pong napakasama ng ginawa ko kay Althea kaya niya ako iniwan. Ngayon ko po na realize ang lahat ng pagkakamali ko.” Nakayukong pahayag ni Gabriel.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo.

“Gabriel hindi mo pa sinasagot ang tanong ng asawa ko.” Pahayag ni Senyor Rafael.

“Anong plano mo sa pagbabalik ni Althea?” patuloy ni Senyor Rafael.

“Susubukan po naming magsimula muli ni Althea, sana pumayag kayo.” Mababa ang tono ng boses ni Gabriel.

Napangiti ang mag-asawa sa narinig mula kay Gabriel.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon