Chapter 40 part 2

271K 2.6K 210
                                    

A.N.

Sorry po ang tagal kong hindi nakapag UD. 

_____________________________________________

Chapter 40 part 2

Tuwang tuwa si Marian habang kausap si Gabriel sa kabilang linya. Alam nyang unti unti ng sumasang ayon sa kanya ang mga plano. 

Nakangiti rin si Don Emmanuel habang nakikinig sa usapan ng anak at ni Gabriel. Ngayon pa lamang ay nangangarap na syang matatapos na ang lahat ng problema nya sa nalulugi nilang kumpanya. 

"I'm asking you Marian, when is your schedule para sa check-up?" tanong muli ni Gabriel.

"S-sa Thursday ang schedule ko." kanda utal na sagot ni Marian dahil sa excitement. 

"Ok, I will accompany you." 

Nanlaki ang mga mata ni Marian at parang gusto nyang magtatalon sa tuwa. Tinakpan nito ang mouthpiece ng telepono at hinarap ang kanyang ama. "Papa sasamahan daw nya akong magpapacheck - up." 

Lalong lumuwag ang pagkakangiti ni Don Emmanuel pagkarinig sa sinabi ng anak.

Tinanggal ni Marian ang pagkakatakip sa mouthpiece bago muling nagsalita. "Really Gabby?" malambing nyang baling kay Gabriel.

"Yes, but I want you to bring all your records." seryoso ang tinig ni Gabriel sa kabilang linya. 

"Nasa OB ko ang lahat ng records ko. Don't worry about that." 

"Kunin mo lahat ng records mo sa OB mo." utos ni Gabriel.

"huh? but why?" biglang kinabahan si Marian.

"Sundin mo na lang ang sinabi." inis na sabi ni Gabriel.

"No way!" hysterical na si Marian

Biglang inagaw ni Don Emmanuel ang telepono kay Marian. "Hijo, what's going on? Bakit biglang sumigaw si Marian? Alam mo naman na bawal sa mga buntis ang masyadong na i stress." 

"Ang sabi ko lang naman sa kanya get all her records sa OB nya....." 

"Bakit kailangan nya pang kunin?" sabad ni Don Emmanuel 

"May nakausap na akong OB na syang titingin kay Marian." matatag na sagot ni Gabriel.

"Anong ibig sabihin nito Gabriel?" malakas na ang boses ni Don Emmanuel

"Alam nyo naman since the beginning I have doubt kung talagang anak ko nga ang dinadala ni Marian." walang paligoy ligoy na sabi ni Gabriel. 

"This is bullshit!" sigaw ni Don Emmanuel.

"I just need your cooperation to end this charade, pero kung ipagpipilitan ninyo ang gusto nyo let's just wait na lumabas ang bata and the DNA test will reveal the truth." kung tusong negosyante si Don Emmanuel ay hindi naman papatalo sa kanya si Gabriel.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon