Chapter 2 page 6

411K 3.6K 80
                                    

“Papa, sino ang tumawag?” pilit na ngiti na tanong ni Althea.

“Hija, si Gabriel tinatanong nya kung nakausap ka na naming ng iyong Mama tungkol sa pagpapakasal sa kanya.” Habang sinasagot ang tanong ng unica hija nya ay inakbayan nya ito at giniya papunta sa may gazebo.

“Natatakot ba syang hindi ako papayag? Dahil hindi nya makukuha ang mana.” Nakaismid nitong sabi.

“Hindi naman siguro ganun anak, hindi lang naman sa kompanya ni Senyor Felipe umaasa si Gabriel kung sa tutuusin hindi na nya kailangan ang negosyo ng matandang Monteverde dahil sa kompanya pa lamang nya kayang kaya nyang mamuhay ng marangya.” Paliwanag ng ama sa anak.

“Kung ganun bakit kailangan pa nyang pakasalan ako?” naguguluhan nyang tanong.

Napabuntong hininga na lamang si Senyor Rafael bago sumagot. “Dahil mahal nya ang negosyong iniwan ng abuelo at ayaw nyang mawala ito sa pangangalaga ng pamilyang Monteverde.”

Hindi namalayan ng mag ama ang papalapit na si Senyora Alicia.

“Mukhang seryoso naman ang usapan nyong mag ama.” Nakangiting sabi nito. “Ang mabuti pa halikayo sa komedor at nagpahanda ako ng paborito nyong meryenda.” Pilit na pinapagaan nito ang kinakaharap na sitwasyon.

“Mabuti pa nga Papa, matagal na rin akong hindi nakakakain ng ginatan. Hwag muna nating isipin yang Gabriel Monteverde nay an nakaka stress sya.”

Alam din ni Althea na nahihirapan ang mga magulang sa kinasusuungan nyang sitwasyon pero wala silang magawa kundi ang magbayad ng utang na loob sa mga Salvador.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon