Chapter 42 part 1

264K 3.3K 173
                                    

A.N.

Pasensya na po ang ikli ng ud super busy lang sa work...

Enjoy reading :)

Chapter 42 part 1

Bawat isa na ay halos pigil ang hininga habang hinihintay ang sasabihin ni Emer.

"I know the owner of the restaurant that's why it was easy for  me to encourage their employees na magsabi ng totoo." panimula ni Emer.

Tahimik pa rin silang nakikinig. 

"And the waiter admitted na may pinalagay na gamot si Marian sa juice ni Gabriel." sabay lingon ni Emer kay Gabriel. 

Napasinghap si Donya Marcela pagkarinig sa sinabi ni Emer.

"Napakawalang hiya talaga ng babaeng yun." hindi rin mapigilang mag komento ni Senyora Alicia.

"Mama calm down please, we need to hear the whole story." pakiusap ni Althea sa ina.

"Bakit hindi nakita sa CCTV yun? I had my team who investigated the employees of that restaurant."  nagtatakang tanong ni don Roberto.

"Tito, hindi po talaga makikita sa CCTV, nagtago ang waiter ng ginawa yun. Actually I personally talked to him and he told me na willing syang mag witness against to Marian." paliwanag ni Emer.

"Wow, you're really playing as detective huh?" nang-uuyam na sabi ni Dennis.

"Just wait for your turn and make sure na may sense ang sasabihin mo." sabay irap ni Emer dito.

"Hey, relax bro patapusin muna natin si Emer." awat ni Gabriel kay Dennis.

Tumahimik naman si Dennis at nahihiya din naman sya sa mga kaharap kung ipapakita nya ang pagka irita kay Emer.

Isinalaysay ni Emer ang lahat lahat ng nalalaman kung paano nakainom si Gabriel ng juice na may pampatulog hanggang kung paano sya nakarating sa unit ni Marian. 

"Damn! that Marco, kasabwat din pala sya ng kapatid." nanggigil na sabi ni Gabriel. 

"Hindi ko papalampasin ang pangloloko nila sa akin." gigil na gigil si Gabriel.

Hinawakan ni ALthea ang braso ng asawa para pakalmahin ito. Kahit narinig na nya kay Emer ang kwento over the phone ay hindi pa rin makapaniwala na may klaseng taong katulad ni Marian.

"Please hwag nyong hahayaan na mapag-isa si ate Thea." sabi muli ni Emer.

"Pinagbabantaan ba nila ang anak ko?" galit na rin ang tinig ni senyor Rafael.

Marahang tumango si Emer. 

Matapos marinig ni Gabriel ang kumpirmasyon kay Emer ay mahigpit nyang hinawakan ang kamay ng asawa. 

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon