Chapter 2 page 4

416K 3.9K 69
                                    

‘Pare, baka pagdating ng panahon bumalik sayo ang lahat ng mga salita mo.” Nang aasar na si Dennis.

“Shut up man!” umiiling na lamang si Gabriel dahil alam nyang hindi sya tatantanan ng kaibigan kung gagatungan nya pa ito.

Paglabas sa opisina ni Dennis ay nahulog na naman sa malalim na pag iisip si Gabriel. Mahal nya ang kalayaan nya at hindi rin sya naniniwala sa commitment. Lahat ng mga naka relasyon nya ay alam kung ano ang stand nya pagdating sa relasyon.

Tuwing naiisip nya ang kondisyon ng pagpapakasal ay talagang nag ngingit ang kalooban nya. Magmula ng matapos basahin ang huling testamento ng kanyang abuelo ay hindi na sila nakapag usap muli ni Senyor Rafael.

Kinuha nya ang telepono na nasa mesa nya at sinimulang tawagan si Senyor Rafael. Naka ilang ring din bago may sumagot sa kabilang linya.

“Senyor this Gabriel Monteverde.” Bungad nito ng mabosesan ang matanda.

“Hijo, buti napatawag ka.” Masiglang bati nito.

“Gusto kong malaman kung nakausap nyo na ba ang inyong anak tungkol sa huling habilin ni lolo?”

“Oo hijo nag usap na kami ni Althea. Alam kong labag sa kalooban nya ang naging desisyon pero pumapayag sya sa alang alang sa kabutihang ginawa ng iyong lolo sa aming pamilya.” Mahinahon nitong paliwanag.

“Mabuti kung ganun Senyor. Dahil ako man ay labag sa kalooban ko ang magaganap na kasalan ngunit dun nakasalalay ang kompnaya.” Nababagot nitong sabi.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon