Chapter 4 page 9

381K 3.3K 22
                                    

“Kung nakatulog sya imposibleng hindi nya tayo maririnig?” medyo nag aalala na si Gabriel.

“Sandali lang, ang mabuti pa kukunin ko ang duplicate key.” Nagmamadaling bumaba si Nana Chato.

Nang buksan ni Gabriel ang kwarto ay napakunot ang noo nya. Walang tao sa ibabaw ng kama.

“Nasaan sya?”

Pati sila Nana Chato ay nagtataka.

“Imposible namang tumakas sya ngayon pa ba nya gagawin yun kung kailan kasal na kami.” Nasa isip ni Gabriel.

Nagmamadaling pinuntahan ni Mayet ang bathroom.

“Sir, Nana Chato si Maam.” Nahihintakutan nyang sabi.

Dali daling pinuntahan ni Gabriel at Nana Chato si Athea.

Naabutan nila itong mahimbing ang pagkakatulog sa bathtub.

“Damn!” Nagmamadaling binuhat ni Gabriel ito at inilapag sa kama.

Biglang nagising si Althea, nagulat na lamang sya at nakabalot ng kumot ang buong katawan.

“Nana Chato iwan na po nyo kami.” Utos ni Gabriel sa mga kawaksi.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon