Chapter 23

384K 3.7K 130
                                    

Tanghali na ng makarating sa mismong bayan ng San Simon si Emer. Halos ilang buwan na rin syang hindi nakakauwi dito mula ng magkatampuhan silang mag-ama.

Mahigit 30 minuto pa ang gugulin nya para marating ang Villa ng mga Salvador.

Binuksan nito ang bintana ng kanyang kotse at ninamnam ang sariwang hangin.

Tumigil muna sya sa gilid ng daan at inilibot ang paningin sa bukirin. Napapangiti si Emer sa tanawing nakikita nya, dito sya lumaki at nagkaisip kung hindi lamang sila nagkagalit na mag-ama baka katuwang sya ng mga itong nangangalaga ng rancho nila.

Hindi nya alam na may sumusunod sa kanyang sasakyan. At tumigil din ito hindi kalayuan sa tinigilan nya.

“Where is she now?” hindi mapakaling tanong ng kausap ni Dennis sa telepono.

Nilingon ni Dennis ang paligid ngunit puro bukid lamang ang natatanaw nya.

“I think we’re in San Simon now, puro bukid lang nakikita ko. Ang layo pala nito,” reklamo ni Dennis

“Just make sure na masusundan mo sya.” Sabi ni Gabriel sa kaibigan.

“Nagmumukha na ang akong stalker ng babaeng ito.” Inis na sabi ni Dennis

Natawa si Gabriel sa kabilang linya. “I think you like her.”

“What the f…, ikaw na nga ang tinutulungan nang aasar ka pa. Just call me later baka mawala sa panignin ko ang babaeng ito.” Ibinaba na ni Dennis ang telepono.

Nang makita nyang unti unti ng umuusad ang kotse ni Emer ay dali dali nyang ini- start ang sasakyan.

“Damn this woman, mukhang sa dulo ng Pilipinas pupunta.” Nanggigil na bulong nito sa sarili.

Ilang minuto din ang tinakbo nila ng matanaw ni Dennis ang mangilan ngilang mga bahay.

Nakita nyang huminto ang sasakyan ni Emer sa isang kubo na malapit sa kalsada. Nang lumabas ito ng sasakyan ay may bitbit itong isang basket na punong puno ng mga grocery items.

Nagtatakang sinudan ng tingin ni Dennis si Emer. Hindi naman nagtagal ay nakita nyang may isang matandanng lumabas mula sa kubo. Kitang kita nya ang tuwa sa mukha ng matanda ng yapusin nito ang dalaga.

“Senyorita mabuti po nakabalik na kayo sa rancho.” Sabi ng matanda kay Emer.

“Yaya hindi po ako sa rancho tutuloy.”

“Huh? Saan ka tutuloy nyan. Hwag mong sabihin na maghohotel ka pa samantalang hinihintay ka ng kwarto mo sa mansion.”

“Sa mga Salvador po ako tutuloy.” Mapait na ngiti ni Emer.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon