CHAPTER 64

133 4 0
                                    

CHAPTER 64 

BLAKE'S POV

"Look, you need to let me in. My… my girlfriend is there with some guy! I need to get her. Let me in alright?! Open the goddamn gate!" 

"I'm sorry sir foreigner pero di po kayo pwedeng pumasok kung wala po kayong—“

"I told you my girlfriend is in there! I need to get her!"

Kalahating oras na akong nakikipag-usap dito sa kumag na guard na to. Dahil daw wala akong kakilala sa loob at wala pang tumatawag sa kanya na pwede akong papasukin, hindi daw pwedeng buksan ang gate ng village. Sa totoo lang inis na inis na ako eh. 

"Saka sir foreigner, your car... pwede po pakitabi na lang. Don't block the driveway ho."

"Anak ng tokwa. Kilala ko nga yung... look, kilala ko si Matthew Hawkings. Kasama niya yung girlfriend ko. Kelangan ko siyang makausap."

Kinamot nung guard yung ulo niya at huminga ng malalim. "Ser, bakit hindi niyo pa sinabi kanina pa na kilala niyo po ang may-ari ng village na to? Teka lang, tatawagin ko lang ho."

Tinignan ko na lang siya ng matalim. Tinawagan niya siguro si Matthew. After ng ilang minutong pag-aantay ko, pina-park niya ng maayos yung kotse ko, which I did.

"Antayin niyo lang daw po siya dito, ser. Hindi daw po kayo pwedeng pumasok sa mismong loob ng village.”

Pinigilan ko ang sarili ko na sapakin ang guard. Kelangan ko ng pasensya. Saka energy... kung makikipag-away man ako, sisiguraduhin kong si Hawkings na yon. 

Pinapasok na ako nung guard na kahawig ni Empoy pero hanggang dun lang sa guardhouse. Pagkapasok na pagkapasok ko... nakita ko si Nicolle na may kasamang babae at nakangiti.

"Nicolle!" tawag ko. 

Napatingin siya sa akin na tila ba nagtataka kung sino ako. Nakalimutan niya ba ako dahil sa AD niya o sadyang kinalimutan niya ako dahil sa galit niya? Naiintindihan ko naman na baka nakalimutan niya ako. Naiintindihan ko naman talaga eh. Pero kung sinadya niya... shit, ganun ba siya kagalit sa akin?! 

May tinanong siya dun sa babaeng kasama niya.

"Guard, that's my girlfriend." Sabay turo ko kay nicolle. 

"Ser, bilin po ni ser Matt, hanggang dito lang po kayo sa guardhouse."

"I need to talk to her."

Tumingin ulit ako kay Nicolle. "Nicolle!" tawag ko ulit. "Talk to me please."

Hindi siya sumagot. Umatras pa nga eh. Nagulat akonsa ginawa niya. 

Sinubukan kong lumakad palapit sa kanya pero tumakbo palapit sa akin yung kasama niya at bigla akong sinampal ng malakas sa mukha. 

Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya, hindi na ako nakagalaw. What the fuck, bitch?!

"I didn't wanna do that," sabi niya in an accent that tells me she's British. "She wanted me to. Anyway, she told me she didn't want to talk to you-"

"She recognized me?" tanong ko nng tuwang tuwa. Kahit na ba ayaw niya akong makita, naalala naman niya ako. Masaya na ako don.

Umiling yung babae. "No. I just told her youre the famous Blake Perez. Anyway, can I just tell you my opinion?"

Hindi pa man ako nakakasagot, nagsalita na ulit siya, "I think you are an ass. She has Alzheimer's disease and that multiple something. She didn't know but you did. And you decided not to tell her. What? You don't think she's got the right to know? Man, we're talkin about her... we're talkin about her life. And you call yourself her boyfriend? How about you grow some bloody balls, mate?"

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now