CHAPTER 55

181 4 1
                                    

CHAPTER 55

BLAKE'S POV

Sa pagkakaalam ko, ako tong may sakit eh. Bakit nauna pang natulog tong babaeng to sakin?! Bayaan a nga! At least nabawasan yung lamig. Saka isa pa, masarap naman sa feeling. 

Tinanggal ko yung face towel na nasa katawan ko. Ayt. Hindi ko pa pala naiinom yung soup na niluto niya para sakin. Tapos... nagshower na ba to? Naka school uniform pa eh. Bakit hindi siya nagbihis man lang?! Pano kung pinagpawisan siya tapos natuyo?! Tokwa naman oh. Iniisip niya ba sarili niya?! Ayoko ngang magkasakit siya eh... 

Teka nga... bakit ko siya niyayakap ngayon?! Anak ng. Ang unfair naman oh. Dapat galit ako sa kanya ngayon eh. Pero bakit hindi ko magawa? Pinipilit ko naman magpaka hard-to-get kanina eh. Kaninang umaga nga, pinagsusungitan ko siya eh. Pero siya pa ang nagalit at nag walk out. 

Aba... ang kapal ng mukha!

Buti na lang cute siya. 

The fuck?! Anong sinabi ko?! Cute?! Yuck. 

Biglang nakaramdam ulit ako ng sakit ng katawan. Nabigatan ata ako kay Nicolle. The logical thing to do now is to wake Nicolle up and tell her to move. Pero ayokong magkahiwalay kami. Gusto ko magkayakap lang kami. 

Pinikit ko ang mga mata ko para matulog na. Pagod na ang katawan ko. Pero... pero bakit ganito? Pakiramdam ko dapat lagi kong nakikita si Nicolle. Dapat lagi ko siyang nararamdaman sa tabi ko. 

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinang hina ko siyang tinawag, "Bunny boo." 

Dinilat ko ulit ang mga mata ko. "Seryoso—shit!" 

Kahit mabagal akong kumilos ngayon, hinila ko yung kumot at tinalukbungan ko kaming pareho ni Nicolle. Nilalamig na naman kasi ako eh. Gumalaw si Nicolle at umusog pa ng mas malapit sa akin. 

Nanlaki ang mga mata ko. Me and my girl... under one blanket. Anong iisipin ng mga tao na ginagawa namin ngayon?! 

Napalunok ako. Anong iisipin ng birdy ko? 

Shit. Baka hindi ko mapigilan. Oh my god, Nicolle! Why are you so good in driving me crazy?! I mean, kahit na may sakit ako ngayon... damn, lalaki pa din ako no! And I easily give in to temptations. 

"Nico—Nicolle," nanghihina kong tawag. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at dahan dahan siyang inusog with the energy I could muster. 

Hindi pa din siya nagigising. Tibay neto ah. 

Tumayo ako para tanggalin ang pants ko. I know magiging urge na naman to para sa temptation pero hindi kasi ako kumportableng matulog na may ibang suot maliban sa boxer shorts eh. Kahit na sobrang nilalamig na ako. Basta, lalayo na lang ako ng konti kay Nicolle.

Nakita ko yung soup at yung mga gamot sa bedside table. Mainit init pa ng konti yung soup kaya kinain ko na, pati na din yung mga gamot, ininom ko na. 

Humiga na ulit ako pero this time, meron ng unan sa pagitan namin. Naninigurado lang. Baka kasi magkaroon kami ng anak ng wala sa tamang oras. Ayoko naman yon. I tried to sleep pero hindi talaga ako makatulog. Naalala ko yung mga nangyari kaninang umaga. 

Pagkawalk-out ni Nicolle, dapat naman talaga hahabulin ko siya. Yun nga lang hilong hilo na talaga ako at umiikot na ang paningin ko. Matapos ang sampung minuto, naisipan kong magpa-sorry sa kanya. 

Tama naman siya eh. Nawalan ako ng respeto sa prof. namin. 

Nakahawak ako sa may pader habang mabagal na naglalakad. Tatawagan ko na nga lang siya. Oo, tama. Tatawagan ko na lang siya. 

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now