CHAPTER 39

319 6 0
                                    

CHAPTER 39

BLAKE'S POV

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Madami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano. Tuloy tuloy lang siya sa pag-iyak at tuloy tuloy lang din ang puso ko sa pagtibok ng sobrang bilis. Pagkatapos ng ilang buwan... heto na siya, sa harapan ko. Inisip ko, babalik na ba siya sakin ngayon o sasabihin niya lang na tuluyan na niya akong nalimutan?

Dahan dahan. Unti unti. Naglakad ako ng mas malapit pa sa kanya. Nararamdaman ko ang paghinga niya at alam kong nararamdaman niya din ang paghinga ko. Dahan dahan. Unti unti. Hinawakan ko ang kamay niya.

Ilang buwan kong hinintay ang pagkakataong ito; na mahawakan ko ng ganito kahigpit ang kamay niya. One. Two. Three. Hinila ko siya papunta sakin at niyakap ng mahigpit na mahigpit. Pumikit ako.

I forgot everything else.

And I hope she did too.

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko. One. Two. Three. Ngumiti ako. Huminga ako ng malalim. Ilang buwan... Ilang buwan ko siyang hindi mahawakan ng ganito. Ilang buwan kong pinigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya. Ilang buwan kong sinubukan na kalimutan siya. Ilang buwan kong sinbukang itigil ang pagmamahal ko sa kanya.

One. Two. Three.

"I love you so much, Nicolle," bulong ko. "...ten million times more than anything."

Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. Kahit ilang beses ko pang sabihin na mahal na mahal na mahal ko siya hinding hindi ako magasasawa. Hinding hindi ako magasasawa na mahalin siya.

I'm yours, Nicolle.

Unti unti, binibitawan niya ako pero lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Tayo na lang ulit ha? Wala ng iwanan." Naramdaman ko ang pagtango niya.

Kahit ayaw ko pa, binitawan ko na siya.

Lumuhod ako sa tapat niya at yumuko. "I'm sorry," sabi ko. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na siya sasaktan. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na siya iiwan. Pinangako ko sa sarili ko na siya pakakawalan. Pinagako ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko ng ganito.

Sa kanya lang ako.

Even if she hurts me million times.

Naramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Umupo kaming pareho. Biglagn umambon pero pareho naming hindi pinansin. Nothing else matters.

At pagkatapos ng ilang minuto, umulan. Hindi na namin pinansin. Basta magkasama na kami ulit, wala na kaming pakialam sa mundo.

"I love you," sabi niya.

Totoo. Naramdaman ko na totoong mahal niya ako and I was thankful for that. Out of 6 billion people in this world, ako ang minahal ni Nicolle. Kahit na ganito lang ako, mahal niya ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako minamahal ng ganito. Kahit ilang beses ko na siyang sinaktan, eto pa rin siya. Sinasabi niya pa rin na mahal niya ko. Even though I don't deserve her.

Out of the blue, biglang may pumalakpak. Napatingin kaming pareho ni Nicolle dun sa pumapalakpak. "JU-NI-CHI!!!"

"I'm sorry. But I can't take it! It's just too sweet! Actually, it makes me want to throw up.” Ngumiti siya ng tinignan ko siya ng masama. “Just a bit," dagdag pa niya.

Tumayo kaming pareho ni Nicolle at tinignan siya lalo ng masama. Panira naman ng moment to eh! Nagd-drama na nga ako don eh. Nagsesenti na ako! Tapos biglang sisingit! Anak ng! Bago pa man makapagsalita si Junichi at depensahan ang sarili niya, lumapit ako sa kanya at binatukan siya.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now