CHAPTER 3

650 12 1
                                    

 CHAPTER 3

BLAKE’S POV

Habang nagtatakbuhan kami ni Krungy sa buong building, naririnig ko ang pagriring ng cellphone ko. Ayt. Sino ba to? Ilang minuto pa ang lumipas. At ilang floors pa ang tinakbo namin. Nang makarating ako sa ninth floor (for the tenth time), tumigil na ako dahil sa pagkarindi sa ringing tone ng phone ko.

Bago ko tignan ang phone ko, tumingin muna ako sa paligid. Baka kasi andun pa si Krungy. Ayt. San na naman kaya yon sumuksok? Pagkatingin ko sa phone ko, nakita ko ang 135 new messages. Bwisit naman kasi si Luke eh! Kung kani kaninong babae pinamimigay ang phone number ko. Tch. Nakita ko din na merong limang missed calls si... Tracy.

Tinignan ko na lang ang apat na messages na importante. Kay Krungy. Kay Andrew. Kay Nick at kay Harold.

From Krungy : Won't be going home tonight.

From Andrew : Paps.

From Nick : You know a babe?

From Harold : Paps, musta?

Hindi na ako nagreply sa kahit anong text nila. Hindi naman pala importante eh. Nagsayang pa ako ng effort. Pero... pero yung missed calls ni Tracy. Hindi pa pala siya nagpapalit ng number. Tatawagan ko kaya siya? Baka kasi importante ang sasabihin niya eh. Tumalikod ako at nakita ko si Krungy na kumakatok sa pintuan ng isang unit... sa unit ni Luke.

Tinago ko na ang phone ko at sumunod sa kanya. Papasok kaya ako?  Tinignan ko ang oras sa phone ko. Malapit na palang mag-8. Ayt! 'Wag na nga! Uwi na lang ako. Tahimik akong lumabas ng building pero ang mga tao sa paligid ko, sobrang ingay. Nakakairita! Alam ko naman na gwapo ako eh, bakit kelangan pa nilang sabihin at ulit ulitin sa tapat ko? Tch.

Naisipan kong maglakad na lang pauwi dahil gusto kong makapag isip isip. Tatawagan ko ba si Tra!y? O hayaan ko na lang? Tch. Baka importante eh! Huminga ako ng malalim. Sana sagutin niya.

“’Wag na nga!” sigaw ko kaya napatingin ang mga tao sakin. “O?! Anong problema niyo?!” sigaw ko. Tinignan ko sila ng masama. Tch. Bad mood pa naman ako ngayon. Hindi ko pa rin talaga makalimutan yung ginawa sakin ni Amgirl kaninang umaga. Binalik ko na sa bulsa ko yung phone ko.

Bago pa ako makalakad palayo ng building, may tumawag sa pangalan ko. Napatigil ako. Parang alam ko na kung sino ‘yon. Napalunok ako at biglang kinabahan. Dahan dahan akong lumingon para harapin siya. “Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?” tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi pa din siya nagbabago. Siya pa din ang Tracy na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Shit! Nakakadiri ako. Naglakad ako palapit sa kanya pero bago ko pa siya mahawakan, may tumawag ulit sa’kin. Ayt! Ano ba to?! Ano bang kelangan ng mga tao sa’kin?!

Napasmangot ako nang makita ko na si Krungy lang pala ang tumawag sakin. Tinignan niya lang si Tracy bago ako hilain palayo. “Tulungan mo ‘ko kina Luke,” sigaw niya habang hinihila ako.

Tumigil ako kaya napatigil na din siya. “He’s not there. Tara na. Move.”

Gnrab niya ulit ang braso ko pero hindi na ako nagpahila. Naging seryoso ako. “Kausap ko si Tracy,” sinabi ko ng seryoso. “’Wag na ‘wag mo siyang babastusin.”

Tumingin lang din siya ng masama sa’kin. Aba, at siya pa ang may ganang tumingin sa’kin ng ganyan?!  “Go on. Talk to her.” Pagkasabi niya non, umalis na siya ng dirediretso. Lumiingon ulit ako kay Tracy pero wala na siya don. Ang nakita ko, si Amgirl, palabas ng building.

Siya na nga lang pagbubuhusan ko! Napangiti ako ng makita ko siyang nakasimangot. Nakajeans siya, plain shirt, at tsinelas. Napakasimple lang niya. Tapos, mukha pa siyang nerd. Nakasalamin kasi eh. Pero behind those glasses, isang babaeng gusting gusto kong sakalin.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now