CHAPTER 10

457 5 0
                                    

CHAPTER 10

BLAKE'S POV

Umalis ako at agad dumiretso sa auditorium. Galit. Bawat hakbang ko lalo lang akong naiinis. Pinalabas ako ng sapilitan tapos pinapasok si Amgirl para ipakita yung mga pictures namin ni Tracy?! Anak ng. Pagpasok ko sa auditorium, nakatayo sa may stage yung president ng fans club ko. Yung singkit. Yung stalker ko mula nung grade school pa ko. Yung number 1 diehard fan ko. Yung walang hiyang distorbo sa buhay ko. 

"SINONG NAGBIGAY SA INYO NG KARAPATAN NA GAWIN TO?!!" 

Napalingon silang lahat at napatingin sakin. Nanahimik sila. Napatigil din sa pagsasalita yung singkit na yon. Umakyat ako sa stage at habang papunta ako, lahat tumatabi sa dinadaanan ko. Pag akyat ko sa stage, napaatras yung singkit at yung tatlong kasama niya pa. 

"SAGOT!" 

Medyo naluluha na sila kaya napayuko na lang. Isang beses pa akong sumigaw pero wala pa din. Wala pa ding naglalakas ng loob na sumagot. Inagaw ko yung mic dun sa singkit at hinagis sa may direksyon niya. Pero hindi sa kanya. Sa direksyon niya lang. Lumapag ang mic at nagfeedback.  

"Labas!" sigaw ko sa mga taong nanonood sa’min.  

Mabilis na lumabas ang lahat. Wala mang isang minuto, etong apat na lang sa tapat ko ang natira sa auditorium.  "Sino ba kayo para gawin to?!" 

Masama ko silang tinignan. Nakakabwisit eh. Ipapakita sa girlfriend ko ‘yung pictures naming ng ex ko? Gago ba ‘tong mga ‘to?! Teka nga, anong sinabi ko? Girlfriend? Ex? I clenched my hands into fists. Sobrang galit ko, namumula na ang tenga ko.  

Sumagot yung singkit na president ng fans club ko na nanginginig pa ang boses."G-g-gusto l-lang kasi namin na...na...na...layuan k-ka na nung babaeng y-yon eh. B-bnastos ka niya kasi eh. Ayaw namin yon." Napaatras ulit siya habang nakayuko pa rin. Bago pa man ako magsalita ulit, biglang nagsalita yung isa sa mga babae. 

"Gusto kasi namin na magkabalikan na po kayo ni Ms. Tracy eh." 

Anak ng. Ano bang?!! Lalong kumulo ang dugo ko. Ano bang alam nila sa amin ni Tracy? Stalker lang naman tong mga to eh. Kaming dalawa lang ni Tracy ang may alam sa totoong nangyari. Sino ba sila sa buhay ko? Gago pala ‘tong mga ‘to eh!  

Eto ang ayaw ko sa lahat eh! Pinakikialaman ako! These fucking bitches! Sa sobrang galit ko, hinagis ko yung isa pang mic,  Sinipa ‘ko ng malakas ‘yung isang upuan kaya tumalsik . Syempre, nagulat sila pero hindi pa rin sila makagalaw sa pwesto nila. Biglang may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako dun sa direksyon ng boses. "Blake, anong ginagawa mo?" 

Halos mangiyak -ngiyak na siya nung sinasabi niya yon. Napahinto ako. Biglang tumigil ang tibok ng puso ko. Tapos bumilis ulit. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Hindi—hindi niya ako pwedeng makitang ganito. Nawala ang galit sa mukha ko. Pinalitan ng hiya… hiya at takot.  

"Bakit ka nagagalit?" Napatingin yung mga babae sakin. Tumalikod ako, nagsigh. Binulsa ko ang mga kamay ko sa pants ko. 

"Hindi niyo 'ko kilala." Sinabi ko yun ng kalmado dun sa mga stalkers ko pero sa loob ko, hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Ilang seconds lang ang lumipas, umalis na ako. Bumaba ako ng stage at palabas na ng auditorium. Bago ako lumabas ng pintuan, lumingon ako at tumingin ulit sa kanya. Hindi ko siya kayang harapin ng ganito. 

Hindi ko kayang harapin si Tracy ng galit na galit ako. 

"Isa pa... na saktan niyo si Nicolle. Isang beses pa na gawin niyo ‘to sa girlfriend ko. Wala akong pakialam kung babae kayo,” sabi ko ng malamig habang nakatalikod dun sa mga babae. Huminto ako sa side nit Tracy. Hindi siya nakatingin sa’kin. Hindi rin ako nakatingin sa kanya. “Kakalimutan na kita,” mahina kong sabi.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now