CHAPTER 27

346 3 0
                                    

CHAPTER 27

BLAKE'S POV

Paulit ulit akong napalunok.

Nakaabot lang sa'kin ang kamay niya at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naalala ko tuloy 'yung sinabi sa'kin ni Nick a long, long time ago. There were times when even the meanest person could be afraid. Tapos dagdag niya pa, that was printed on my underwear.

Shit, right?

Nakikipagshake hands lang siya pero hindi ko na alam ang gagawin ko. 

"Do you want me to repeat what I said for the third time, Perez?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya at huminga ng malalim. Sinubukan kong tumingin kay Nicolle pero kausap siya ng Mama niya. Help! 

"Perez," sabi niya ulit. 

I cleared my throat. "Sir, hi. Good evening."

Nakipagshake hands ako. Nanliliit ang mga mata niya at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa magang maga kong kamay na nakabandage pa. Shit. Wala bang awa 'tong lalaking 'to?! Pinigilan kong hindi ipakita na nasasaktan na ang kamay ko. Kelangan kong maging badass ngayon. Hindi ako pwedeng magpatalo dito kay Ka Berto.

"So, do you know what shit you got yourself into?" tanong niya, pagbitaw sa kamay ko. 

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Tingin ko nga hindi na ako marunong magsalita eh. Hindi naman sila pumapatay ng tao diba? Unless boyfried ng prinsesa nila. I am so dead. Ilang minuto ring nagtitigan kami ng papa ni Nicolle. Pinilit ko na wag ipakita yung takot ko sa kanya pero sa totoo lang, naiihi na talaga ako at pinagpapawisan sa sobrang nerbyos.

"Sir, I don't think that dating your daughter is a shit," sagot ko.

"Even if I cut your head off with a chainsaw?" tanong niya.

Nagtitigan ulit kami.

"Dad!" sigaw ni Nicolle.

"Oh come on, Jot. Give 'em time to talk," sabi ni Vincent kay Nicolle.

"Robert, maybe you two could talk later. Attend to your daughter first," sabi ng Mama ni Nicolle.

Oh thank fuck.

"Sir, I'll give you some time."

Agad akong pumunta sa pinto para lumabas na. Pero bago pa ako makalabas, narinig kong tumawa si Vincent.

"His face....dude...that was priceless!" sigaw niya habang sobrang lakas ng tawa niya.

Nararamdaman kong medyo mainit ang tenga ko sa sobrang inis at pagkakapahiya. Ganun ganun na lang akong paglaruan ng mga 'yon?! Shit naman oh! 

Sinarado ko 'yung pinto at pinakinggan ko muna silang magtawanan. Sumilip ako dun sa transparent na part ng pinto at nakita kong pati ang Mama niya nakikipagtawanan at nakikipaghigh five sa dalawang lalaki. Pero pinakamalakas ang tawa ni Nicolle. Kahit na ako, si Blake Perez, ang pinagtatawanan nila, hindi ko mapigilang matuwa. Hindi ko mapigilang sobrang mapangiti. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kasaya mula nung umalis sina Macey at Dickhead.

Narinig kong sumigaw ang Papa ni Nicolle. "Call him. Lets do it again. Lets do it again," sabi niya habang tumatawa pa. Ayt. Pinagttripan ba nila ako?!! Tch. Kesa tuluyan akong mainis, umalis na lang ako at tinawagan sina Luke.

Nakangiti ako. At least, ok na kami ni Nicolle. Ang problema ko na lang ngayon ay ang kamay ko. Magang maga at ngayon ko lang naramdaman ang sakit. "Paps. San kayo?" tanong ko kay Luke. Syempre nawala na ang galit at pag aalala sa boses ko at napalitan na ng tuwa. Sobrang tuwa. Hindi ko akalain na ganun lang akong papatawarin ni Nicolle.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now