CHAPTER 43

279 6 1
                                    

CHAPTER 43

BLAKE'S POV

Pagkabukas ko ng mga mata ko, napamura ako sa pagkasilaw at sa sakit ng katawan ko. Anak ng. Nakapuro ata yung tropa ni Marco. Dahan dahan akong umupo habang napapasigaw. Tumingin ako sa paligid at lalo akong napasimangot nang makita si Krungy na nakaupo sa isang bench at kumakain ng ice cream. And then I realized... shit, nasa ospital ako.

Nang mapansin na ni Krungy na nakaupo na ako sa kama, tumayo siya at lumapit sa akin.

"How do I look?" tanong ko paglapit niya.

Inubos niya ang ice cream at sumagot, "You look fine."

Hinawakan ko ang mukha ko. Shit, namamaga ang mukha ko, saka meron din akong pilay sa kamay. Magereklamo na ako nang bigla kong maalala...

"SHit, Krungy. Si Nicolle? Asan siya?"

Tumalon si Krungy at humiga sa tabi ko. Napasigaw ako nang matamaan niya ang hita ko. "Chill, brother," sabi niya. "Nasa babaung apat. Kasama yung apat."

Napasimangot ako. "Sinong apat?"

"Zelle, Andrew, Luke, Junichi," sagot niya. "Wag ka ng mag-ingay, matutulog na ako. Saka tumawag ka na sa nurse. Sabihin mo gising ka na."

Ayt. Kung hindi lang ako nanghihina, sinipa ko na tong babaeng to sa mukha eh! Ako na nga ang nabugbog, ako pa ang uutusan. Tch.

Bumaba ako sa kutson at kinuha yung--shit! naka-hospital dress ako?! Umiika ika akong naglakad papunta sa bench kung saan nakaupo si Krungy kanina at nakita yung pants at shirt ko na my dugo. Nakita ko din doon yung phone ko. Nakita k ona merong message kaya binuksan ko agad.

"Asan ka? T."

Hindi na muna ako nag-reply. Pinindot ko yung nurse call intercom at meron namang agad sumagot.

"Yes, Ma'am Samantha?"

"Si Blake 'to. Kelangan ko ng—"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang may umasok na babae.

"Ah, sige, wala," sabi ko sabay patay sa intercom.

"Hey bunny," bati ko kay Nicolle nang sinarado niya ang pinto. Napatingin ako sa hawak niyang bag. "Anong gagawin mo dyan?" tanong ko.

Hinagis niya sa akin at natamaan ang kamay ko. "Shit! Fuck!" sigaw ko. "Hindi mo ba nakikita na masakit ang katawan ko?!"

"Those are yours!"

"Ang ingay niyo!" biglang sigaw ni Krungy.

Tinignan lang namin siyang dalawa ni Nicolle habang nagdadabog palabas. NI-lock niya ang door knob sabay bagsak sa pinto. Nagtinginan kami ni Nicolle. Nag-shrug kaming pareho at tumawa.

Pinulot ko yung bag at inabot kay Nicolle. "Buksan ko. Damit ko yan diba?"

Tumango siya at binuksan agad yung bag. Good. Agad naman pala siyang susunod eh. Nilapag niya yung bag sa bench at dumiretso sa kama. Hmiga siya.

Kumuha ako ng shirt at walking shorts sa bag. "Anong oras na?" tanong ko habang sinusubukang tanggalin tong bwisit na hospital dress na to.

"Around four. You were out for five hours."

TUmango ako at sinubukan ko ulit tanggalin yung hospital dress. Shit. Ang hirap naman. Isang kamay lang nagagamit ko! "Tanggalin mo to!" sigaw ko kay Nicolle.

"You can do it, Blake. I'm here to support you," sagot niya.

Sumimangot ako at lumapit sa kanya dala dala yung walking shorts at shirt. Nakataas ang isa niyang kilay habang tinitignan ako. I smirked. "Bihisan mo 'ko," sabi ko habang inaabot yung mga damit.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now