CHAPTER 21

372 4 0
                                    

CHAPTER 21

BLAKE'S POV

Nagising ako nang may narinig akong nagtatawanan. Anak ng. Nakatulog pala ako! Pagbukas ko ng mga mata ko, saktong binagsak na 'yung pintuan. Tumayo ako at napansin na... akala ko nasa bahay ako nina Luke. Na kina Nicolle pa din pala ako. 

Dumiretso ako sa kusina para kumain saglit. Pagkabukas ko sa fridge niya, puro pizza, bacon, eggs, cereals lang nakita ko. Tch. Wala na ba 'tong ibang kinakain? Sumimangot na lang ako nang mapansing ang gulo ng kusina niya. 

Lahat ng ginamit nilang plato nakatambak na lang sa may sink tapos mga bote ng gatas, bottled water, energy drink nakakalat lang sa floor. Anak ng! Babae ba 'to?! Eh mas maayos pa pala ang kwarto ko sa kusina neto eh. 

Kung marunong lang akong maglinis... tatawag na nga lang ako ng maintenance staff! Bumalik ako sa sala at tinawagan yung receptionist sa may ground floor. 

"Yes, Miss Lee?" tanong niya agad. 

"Si Blake 'to. Magpadala ka nga ng limang maintenance personnel dito sa unit na 'to."

"Yes, Sir Perez. Right away." 

Pagkababa ng phone, binuksan ko ang TV. Agad namang nakita ko na FRIENDS ang palabas. Tch. Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong palabas kaya pinatya ko na lang. Narinig kong may kumatok. Sumilip muna ako sa peep hole. Nakikita kong mag usap 'yung limang maintenance personnel kaya pinakinggan ko na muna. 

"Pare, nakita mo na ba 'yung dalawang babaeng nakatira dito?" tanong nung isa. 

Napasimangot ako.

"Oo. Si Zelle Lopez saka si Nicolle Lee, pare?"

"Yun pare. Kung pwede lang silang tignan dun sa mga camera eh!"

"Ang ganda nila no?"

"Lalo na 'yung Inglisera. Grabe—"

Binuksan ko kaagad 'yung pinto. Napatigil sila nang makita nila ako. Halatang nagulat at natakot naman sila eh. Ngumiti 'yung  mokong na nagsabing Lalo na 'yung Inglisera. Ang papangit naman at ang tatanda ng mga 'to. Ano bang akala nila? 

"Good morning po, Sir Perez," bati nung isa. 

Tumango ako at tinignan sila ng masama. "Kayo po ba ang nagpatawag sa'min?" tanong niya. 

"Oo," maikli kong sinagot.

"Pwede na po ba kaming magsimula?" 

"Hindi," sagot ko.

Nagtinginan sila at tinanong ako. "Sir, bakit po?"

Knwelyuhan ko 'yung pinakapangit sa kanila at tinignan siya ng diretso sa mata. "Anong sabi mo kanina? Titignan mo sila sa mga cameras?" tanong ko.

"Uh... sir," sabi niya habang nakatingin sa'kin ng takot na takot. 

"Alam mo ba na ang pinag uusapan ko ay ang girlfriend ko?!" sigaw ko. 

Hindi ako pinipigilan nung apat. Siguro dahil natatakot sila sa'kin. "Sagot!" sigaw ko. 

Umiling siya at nagmakaawa sa'kin. "Sir Perez. Pasensya na po. 'Wag niyo naman po kaming ireport kina Ma'am Lynn."

Napa-smirk ako. "At sinong nagsabing irereport ko kayo?!"

Umiling siya ulit at sinapak ko. Sinalo siya ng mga kasama niya at takot  na tumingin sa'kin. Napatingin 'yung kabilang unit at tinignan ko lang siya ng masama. Doon dumating ang mga security staff. 

"Sir Perez, ano pong nangyayari dito?" tanong nung isa sa mga security guards. 

Tinuro ko 'yung limang lalaki. "Tanggalin niyo na sila dito."

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now